Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

SHARE THE TRUTH

 17,570 total views

Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion.

Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City.

“Marian devotees, members of church organizations (Fatima and Marian groups), parishioners especially from Fatima and Immaculate Heart of Mary Parishes, and all interested Catholics are requested to attend the event,” paanyaya ng WAF Philippines.

Magbibigay panayam sa pagtitipon si Sr. Angela de Fatima Coelho ang Postulator ng Causes of Canonization nina San Francisco at Santa Jacinta Marto habang Vice Postulator naman sa Cause of Canonization ni Sr. Lucia dos Santos.

Bukod dito si Sr. Coelho rin ang kasalukuyang Superior General ng Aliança de Santa Maria sa Portugal.

Tema ng pagtitipon ang “The Story Continues: Know, Live, and Spread the Fatima Message” na layong ipalaganap sa bansa ang tunay na mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima nang magpakita sa tatlong bata sa Portugal noong 1917.

“This is to make known to Filipinos the authentic Message of Fatima as approved by the Church especially the Communion of Reparation on the Five First Saturdays of the month and the need for consecration of the country and the world to the Immaculate Heart of Mary,” dagdag ng grupo.

Katuwang ng WAF Philippines sa paglulunsad ng national convention ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Diocese of Cubao at ang Landmark Trinoma mall.

Magkakaroon ng registration fee na P1, 000 para sa convention materials at para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan sa Secretariat ng convention sa numerong 0915-700-2826.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 59,615 total views

 59,615 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 69,614 total views

 69,614 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 76,626 total views

 76,626 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 86,255 total views

 86,255 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 119,703 total views

 119,703 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top