Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya ng Diocese of San Pablo, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 10,147 total views

Nagpasalamat ang Diyosesis ng San Pablo sa Panginoon sa patuloy na pagpapadama ng pag-ibig sa pagkakaloob ng punong pastol na manguna sa kristiyanong pamayanan sa lugar.

Ito ang panalangin ng diyosesis habang naghahanda sa pagdating ni Bishop designate Marcelino Antonio Maralit Jr. na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang ikalimang obispo ng diyosesis noong September 21.

“Nagpapasalamat kami sa iyo sa paghirang kay Obispo Marcelino Antonio bilang aming bagong obispo at tagapanguna. Ang pagsusugo mo sa kanya bilang aming pastol ay tanda ng iyong walang sawang pagsubaybay sa amin,” bahagi ng panalangin ng diyosesis.

Dalangin ng mananampalataya ng diyosesis ang puso ng bagong obispo na kahalintulad ng puso ng Mabuting Pastol na handang maglingkod at magmahal sa kawang ipinagkakatiwala sa kanyang pangangalaga.

Gayundin sa mahigit 200 mga pari ng diyosesis na magiging katuwang ni Bishop Maralit sa pagpapastol sa tatlong milyong katoliko ng lalawigan ng Laguna.

“Ipinapanalangin din namin ang aming mga kaparian na katuwang ng aming obispo sa paglilingkod. Pagkalooban mo rin sila ng pusong masunurin at maamo upang sila ay maging mga mabuting katuwang at kamanggagawa ng obispo sa pagtataguyod ng kabutihan ng iyong bayan,” anila.

Hiling din ng diyosesis sa Panginoon ang paggabay sa mananampalataya na maging handa sa pagtanggap kay Bishop Maralit nang may kababaang loob at kapakumbabaang sumunod sa pagpapastol ng bagong obispo gayundin ang suporta at pakikiisa sa mga gawain ng simbahan.

Nauna nang nakipagpulong kay Bishop Maralit ang binuong Ad Hoc Committee ng Diocese of San Pablo para sa nakatakdang installation ng obispo sa November 21 sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Paghahandog kay Maria sa Templo.

Kasalukuyang pinangasiwaan ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara bilang Apostolic Administrator ang diyosesis makaraang maging sede vacante noong September 2023.

 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 59,716 total views

 59,716 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 67,491 total views

 67,491 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 75,671 total views

 75,671 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 91,506 total views

 91,506 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 95,449 total views

 95,449 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
12345
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

123456789101112

Latest Blogs

123456789101112