215 total views
Hinimok ni Archdiocese of Palo Archbishop John Du ang bawat mananampalataya sa arkidiyosesis na makibahagi sa nakatakdang simultaneous Walk for Life upang maitaguyod ang dignidad ng buhay ng bawat nilalang.
Partikular na nanawagan ng suporta ang Arsobispo sa mga mag-asawa at mga kabataan na magpakita ng pakikiisa sa Walk for Life sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagkilos para sa buhay kasabay ng iba pang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis at arkideyosesis sa bansa.
Ipinaliwanag ni Archbishop Du na mahalagang manindigan ang bawat isa sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.
“I’m inviting all the faithful of the Archdiocese of Palo especially the couples and the young people to get out in the streets tomorrow early morning to walk for life. Together lets demonstrate our love for life. A gift only God can give. Therefore it is sacred.” pahayag ni Archbishop Du sa Radyo Veritas.
Iginiit ng Arsobispo na walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay maging sa mga nagkasala sa lipunan sapagkat tanging ang Diyos lamang ang dapat na magtakda kung kailan dapat na magwakas ang buhay ng bawat nilalang.
Dahil dito, ipinaalala ng Arsobispo sa bawat isa na protektahan ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon bilang kanyang katiwala sa pangangalaga sa sanlibutan.
“Nobody should dare to kill it even if the person is bad. God has the only right to to take it. Preserve life! Respect life and Uphold life! Our commitment to God, Amen!” Dagdag pa ni Archbishop John Du.
Nananawagan din si Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mamamayang Filipino na makiisa sa pagtitipon para itaguyod ang buhay.
Read:
Taumbayan, hinimok na manindigan para buhay
Buhay ng Tao: Biyayang dapat pangalagaan at hindi dapat gawing kalakal