504 total views
Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Surigao ang mananamapalataya na sundin ang mga alituntuning ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa sa corona virus.
Ayon kay Bishop Antonieto D. Cabajog, mahigpit ang Surigao city sa pagpatupad ng health protocol sapagkat iniwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na ang local transmission.
“Mag-ingat lang tayo ugaliin natin ang social distancing at iba pang health protocol; Mag mahigpit ngayon dito sa Surigao para maiwasan ang mga incidents ng local transmission,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.
Ibinahagi ng obispo na matutunghayan din ng mananampalataya ng Surigao ang mga misa sa online livestreaming sa mga social media pages ng bawat parokya lalo na sa paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng pamahalaan na pagsasara sa mga sementeryo sa bansa mula ika – 29 ng Oktubre hanggang sa ikaapat ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.
Hinikayat din ni Bishop Cabajog ang mamamayan na bisitahin ang website ng diyosesis upang malaman ang mga gawain ng simbahan sa bawat araw.
“We have our diocesan website, we just launch the website two sundays ago; makikita doon ang lahat ng informations sa diocese of surigao website,” dagdag ni Bishop Cabajog.
Mas pinalakas ng diyosesis ang livestreaming ng mga misa makaraang isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Surigao City dahil sa pagdadagdag ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon pa sa obispo maglalaan ng araw ang mga pari ng diyosesis na magbasbas sa puntod sa mga Catholic cemeteries pagkatapos ng temporary lockdown ng mga sementeryo.
Una nang hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga simbahan na magtalaga ng karagdagang misa sa bawat Parokya upang mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makapag-alay ng misa para sa yumaong mahal sa buhay sa nalalapit na undas.