514 total views
Tiniyak ng mga lider ng simbahan sa Pilipinas ang pakikinig sa mananampalataya lalo na ang maliliit na sektor na kadalasang naisasantabi ng lipunan.
Naniniwala si Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pakikinig ay maibahagi sa pamayanan ng misyon ng Panginoon.
“Let us create opportunities for listening and dialogue on the local level through this Synod. Pope Francis is calling the Church to rediscover its deeply synodal nature. This rediscovery of the synodal roots of the Church will involve a process of humbly learning together how God is calling us to be as the Church in the third millenium,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.
Sa kasaysayan hindi na bago sa arkidiyosesis ang local synod lalo’t noong 1582 ginawa ang Synod of Manila sa pangunguna ng Dominikanong si Fray Domingo de Salazar, ang unang talagang obispo ng Manila kung saan pinagtuunan ng pansin ang ebanghelisasyon at paninindigan sa karapatang pantao.
Habang 1991 naman ng ginanap ang Second Plenary Council of the Philippines na sinundan pa ng mga kahalintulad na gawain.
Samantala, ayon naman kay Zamboanga Apostolic Administrator Bishop Moises Cuevas ang kahandaan at pagiging bukas ng mamamayan ang tunay na daan tungo sa matagumpay ng paglalakbay ng simbahan.
Sinabi ng obispo na ang pakikipagdiyalogo ng mamamayan ang susi sa maunlad at mapayapang lipunan na may paggalang sa bawat isa.
“The best ability to Synodality is availability. Everyone must be available to collaborate, to be open, to listen and to cooperate. It’s availability in dialogue,” ani Bishop Cuevas.
Saad naman ni Catarman Bishop Emmanuel Trance na ang pre-synodal process ay simula ng pagkakaisa ng mga munting pamayanan at pagkakataong mapakinggan ang kanilang hinaing upang maipaabot sa Santo Papa.
“This synod will become the encounter and beginning of unifying our local church and we should listen not only in our ears but also in our hearts, listening in this synodal process is to listen to the marginalized even to the non-Christian community,” giit ni Bishop Trance.
Tulad ng ibang mga diyosesis hindi na bago sa Catarman ang pagtitipon sapagkat 1996 nang ginanap ang kauna-unahang Pastoral Assembly na isinulong ni Bishop Angel Hobayan na sinundan noong 2005 sa unang taong panunungkulan ni Bishop Trance.
Umaasa ang mga punong pastol ng simbahan sa Pilipinas sa kooperasyon ng mananampalataya upang makapagbalangkas ng mga hakbang na isusumite sa Vatican sa Abril 2022 bilang paghahanda sa ika – 16 na Synod of Bishops sa October 2023 na may temang ‘For a Synodal Church: communion, participation and mission.’