24 total views
Ikinalungkot ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang papanaw ng Kaniyang Kabanalang Francisco.
Hinikayat ng Obispo na sa pagpanaw ni Pope Francis na magalay ang bawat mananampalataya ng panalangin na isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati para lubos na kapayapaan ng kaluluwa ng pumanaw na pinuno ng simbahang katolika.
“May lungkot sa puso ko at sa puso ng marami sa atin sa Pagpanaw ng ating Sto. Papa Francisco. Mag-alay po tayong isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang luwalhati para lubos na kapayapaan ng kanyang ng ating Santo Papa,” ayon sa mensheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Mensahe pa ni Bishop Mallari sa mga mananampalataya na ipagdasal ang simbahang katolika upang sa kabila ng pagpanaw ni Pope Francis ay higit itong lumago at mapag-alab ang pananampalataya
Nawa, panalangin pa ni Bishop Mallari na ang bawat binyagan ay maging inspirasyon ang pagpanaw ni Pope Francis isang araw pagkatapos ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo upang higit na palalimin ang kanilang pananampalatay.
“Ipagdasal din nating ang buong Simbahan upang ang pagkamatay niya ay maging daan upang lalo pang lumago at mag-alab ang ating panananmpalataya. Bawa’t binyagan ay inaanyayahang papanibaguhin ang ating pananampalataya kay Hesus na muling nabuhay,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari.
Ngayong Easter Monday Pasado 7:35am sa oras sa Roma sa Casa Santa Marta sa Vatican ng inanunsyo ni Apostolic Chamber Camerlengo Cardinal Kevin Farrell na Camerlengo ang pagpanaw ni Pope Francis.