Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 441 total views

Mga Kapanalig, bumigay ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa “pressure” mula sa publiko na alisin ang confidential funds sa badyet ng Office of the Vice President (o OVP) at Department of Education (o DepEd) sa 2024. Ito ang paniniwala ng ilan, at sana ay totoo ngang tumalab sa mga kongresista ang pangangalampag ng mga tao.

Sa isang pahayag, sinabi ng House Appropriations Committee na ang hinihinging confidential funds ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ay ililipat sa mga ahensya ng gobyernong nangunguna sa pagtugon sa tensyon sa West Philippine Sea. Kasama sa madadagdagan ng pondo ang National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Pero huwag nating kalimutang may confidential at intelligence funds pa rin ang Office of the President. ‘Di hamak na mas malaki iyon kaysa sa hiningi ng bise presidente. Ang hiniling na confidential funds ng OVP ay nasa kalahating bilyon, habang 150 milyong piso naman ang para sa DepEd. Ang Office of the President ay humiling naman ng tumataginting na 10.14 bilyong pisong confidential and intelligence funds! Tandaan nating ang ganitong uri ng pondo ay hindi dumadaan sa masinsing pagbusisi ng Commission on Audit kaya hindi malalaman ng taumbayan kung paano ginagastos ang confidential and intelligence funds.

Kaya manatili pa rin tayong mapagmatyag.

Noong 2022, nagawa nga ng OVP na humingi ng confidential funds mula sa Department of Budget and Management (o DBM). Inaprubahan pa nga ito ng Office of the President. Nagkakahalaga iyon ng 125 milyong piso o kalahati ng aktwal na halagang hiniling ng bise presidente para sa kanyang opisina. Batay sa sulat na ipinadala ng OVP sa DBM, gagamitin ang perang iyon para sa “safe implementation” o ligtas na pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto at gawain sa ilalim ng Good Governance Program ng opisina. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, patuloy ang debate kung naaayon ba sa ating Saligang Batas ang paglalabas ng pondong ito mula sa Office of the President patungong OVP.

Ang mas nakapagtataka pa, nalaman ng COA na ang 125 milyong pisong confidential fund ay ginastos sa loob lamang ng labing-isang araw! Katumbas ito ng 11.3 milyong pisong gastos bawat araw o halos kalahating milyong piso kada oras! Wala namang paliwanag na ibinigay ang OVP, bagay na nagpapatindi sa mga kuwestyon sa pagiging transparent o bukás ng OVP sa pagbusisi sa perang mula sa ating buwis at mula sa utang ng gobyernong babayaran din ng ating buwis.

Maaaring malayo sa bituka ng maraming Pilipino ang usaping badyet. Marami na rin siguro ang tila tanggap na lang na normal na sa ating gobyerno ang katiwalian. Ngunit tandaan sana nating ang perang ipinagkatiwala nating pangasiwaan ng mga ibinoto natin sa gobyerno ay perang pinaghirapan nating lahat. Hindi ito perang gagamitin ng mga nasa gobyerno para sa kanilang kapritso. Para iyon sa mga programa at proyektong dapat pinakikinabangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga kapos sa buhay. Ang papel ng gobyerno ay pangalagaan at itaguyod ang common good o kabutihang panlahat, ayon nga sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Kung itinatago sa atin kung saan ginagamit ang pondo ng bayan, paano natin masasabing para sa kabutihang panlahat ang ginagawa ng pamahalaan?

Mga Kapanalig, muli, huwag tayong makakampante sa pag-aalis ng kinukuwestyong confidential funds mula sa ilang ahensya at paglalagak nito sa ibang opisina. Ang mga ganid sa kapangyarihan at tiwali ay katulad ng mga “leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa,” ‘ika nga sa 1 Pedro 5:8. Kaya “maging handa [tayo at magbantay].”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 26,311 total views

 26,311 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,967 total views

 40,967 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,082 total views

 51,082 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,659 total views

 60,659 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,648 total views

 80,648 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 26,312 total views

 26,312 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,746 total views

 2,746 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,968 total views

 40,968 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,083 total views

 51,083 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 60,660 total views

 60,660 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,649 total views

 80,649 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,325 total views

 48,325 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,350 total views

 43,350 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,919 total views

 46,919 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,374 total views

 59,374 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,441 total views

 70,441 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,760 total views

 76,760 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,371 total views

 81,371 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,931 total views

 82,931 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,492 total views

 48,492 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top