257 total views
Handa ang Manila Cathedral na tumulong sa mga nakatakdang ikasal ngayong Enero at Pebrero sa mga simbahan sa Batangas at Cavite.
Sa social media post ng The Manila Cathedral, inanyayahan nito ang mga naka-schedule na ikakasal na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling hindi maaring magamit ang simbahan na pagpapakasalan.
“Due to a number of calls and inquiries we are receiving regarding transfer of weddings affected by the Taal Volcano eruption in Batangas and Cavite areas to the Manila Cathedral, we are now opening slots and extending assistance for weddings scheduled this January and February 2020.”
Ito ay upang matulungan sa mga prosesong gagawin at agad na maisaayos ang mga dapat gawin at ang schedule ng pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib.
Sa kasalukuyan, malaking bahagi ng Cavite at Batangas ang naapektuhan sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal.
Una na ring nagbukas ang mga simbahan sa Cavite at Batangas maging ang ilan pang institusyon ng simbahang katoliko upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lumilikas na residente.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tanggapan ng Manila Cathedral mula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Bukas din ito ng Linggo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali o tumawag sa telephone number 8527-3093.