406 total views
Itinalaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth si Father Jade Licuanan bilang bagong executive secretary ng komisyon.
Sa liham ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng kumisyon kay dating CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles inihayag nitong pormal na manungkulan si Fr. Licuanan mula December 1 kasabay ng pagsimula ng mga bagong halal na opisyal ng CBCP.
Si Fr. Licuanan ang kahalili ni Father Conegundo Garganta na naglingkod sa kumisyon sa loob ng 16 na taon.
Pinasalamatan ni Bishop Alarcon si Fr. Garganta na inilaan ang mahabang panahon sa priestly ministry sa paggabay sa mga kabataan.
“We express our sincere gratitude and appreciation for all that Fr. Conegundo Garganta has done for the Commission, the Youth Network and for CBCP thses years,” bahagi ng mensahe ni Bishop Alarcon.
Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas kay Fr. Licuanan hiniling nito sa mananampalataya ang panalangin para sa kanyang bagong misyon na katuwang ng simbahan sa paghuhubog ng mga kabataan.
Si Fr. Licuanan ay kasalukuyang commissioner ng Archdiocesan Commission on Youth ng Archdiocese of Manila nang maitalaga ito sa CBCP youth ministry.
Isa sa mga incoming activity ng mga kabataan ang World Youth Day sa Lisbon Portugal sa 2023 kung saan inaasahan na ang paghahanda ng mga delegadong kabataang Filipino.