274 total views
Hinikayat ni Gumaca Bishop Victor Ocampo ang mga layko na magkaisa na tutulan ang karahasan sa lipunan.
Ayon sa Obispo, sa liham pastoral na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay hindi lamang para sa mga pinuno ng Simbahan kundi higit sa mga layko na siyang bumubuo ng 99 na porsiyento ng simbahan sa Pilipinas.
“Challenge sa ating laity para maging…damahin ang karaingan ng mahihirap. Alisin ang pagtanggap ang bagong normal na ang patayan. Dapat may pagkilos ang buong Simbahan. Ang aking iniisip ang namumuno ang mga Pari, Obispo kundi lalu ang mga laiko,” ayon kay Bishop Ocampo.
Read: Rejoice and be glad!
Iginiit ng Obispo na hindi marapat na tanggapin na lamang bilang karaniwan ang mga nagaganap na pagpaslang.
Sinabi ni Bishop Ocampo na dapat may pagkilos ang buong simbahan kasama ang mga layko para iwaksi ang karahasan partikular na sa patuloy na pagdami ng bilang ng napapatay na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sa pinakahuling tala may higit sa 20 libo na ang napapatay na may kaugnayan sa ilegal na droga simula taong 2016, at patuloy pa ring tumataas ang bilang sa kasalukuyan.
Sa panlipunang turo ng simbahan bawat layko ay tinatawagan na isabuhay ang turo ng Diyos sa lipunang kanilang kinaaaniban.