30,453 total views
Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang matatag na paninindigan at pagbibigay halaga sa ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang.
Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa darating na ika-17 ng Pebrero, 2024.
Ayon sa Obispo, mahalaga at sagrado ang ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang na nagmula sa kanyang wangis kaya nararapat lamang na bigyang halaga.
“Why is it important to value and respect life? Because it is a gift from God and we were created in His image. The sanctity of life stems from the fact that God is the Creator. All of us exist because we were created purposefully by our Heavenly Father. Therefore, God is honored when we respect His image in one another. It is because of His creative handiwork that we have dignity, value, and morality.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Bilang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang ay inaanyayahan ni Bishop Santos ang lahat na makibahagi sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.
Magsisimula ang alay lakad para sa buhay sa Welcome Rotunda, Quezon City hanggang University of Santo Tomas (UST) Grandstand, España, Manila kung saan magkakaroon ng maikling programa bago ang pagdiriwang ng banal na eukaristiya na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Umaasa si Bishop Santos na sama-samang manindigan ang lahat sa pagsusulong sa kahalagahan ng bawat buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.
“On February 17 at 4:00 A.M. to 8:00 A.M., I encourage everyone, let us all defend life. Let us “together, walk for life” praying the Holy Rosary from Welcome Rotonda in Quezon City going to UST Manila, where there will be a program and Eucharistic Celebration held. Let us walk under the direction and ways of God. Let us walk with one another, in one voice, as we uphold life’s sacredness and its preservation. Let us show to others that we value life as God’s precious gift.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Napiling tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na naglalayong himukin ang lahat na sama-samang manindigan para sa pagsusulong ng buhay ng bawat nilalang sa daigdig.