205 total views
Ito ang panawagan ni CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa pagdiriwang ng Walk for Life sa ika-15 ng Pebrero.
Umaasa ang Obispo na matapos ang pagdiriwang ng araw ng mga puso, ay pairalin ng mga mananampalataya ang pag-ibig sa buhay ng tao, sa pamilya at sa kalikasan.
“Sana pagkatapos magcelebrate [ng Valentines Day] manindigan naman tayo sa buhay, sa pag-ibig, sa pamilya… kasama din natin dito ay paninindigan sa kalikasan kasi ang pugad din ng buhay ng mundo ay ang kalikasan ang environment.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Online Prayer Meeting ng Radyo Veritas.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang Walk for Life ay paraan ng pananalangin at pagbibigay edukasyon sa mamamayan kaugnay sa mga banta sa buhay.
Nilinaw ng Obispo na hindi ito rally kungdi pagsasama-sama at taimtim na pananalangin para sa kasagraduhan ng buhay.
Ngayong taon bukod sa pagsasagawa ng Walk for Life sa Quezon Memorial Circle ay kasabay din itong isasagawa sa mga Arkidiyosesis at Diyosesis ng Tarlac, Lingayen-Dagupan, Cebu, Palo, Cagayan De Oro, at Gumaca.
SIMULTANEOUS WALK FOR LIFE:
Archdiocese of Lingayen
Walk – Around City Proper going back to Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist
Mass – Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist
Diocese of Tarlac
Walk – Around City Proper Holy
Mass – Tarlac City Plazuela
Archdiocese of Palo
Walk – From 4 different areas: Pawing Palo, Cogon Chapel, Gacao Chapel, St. Roch Brgy. Arado going to Palo Metropolitan Cathedral
Mass – Palo Metropolitan Cathedral
Archdiocese of Cebu
Walk – DOH Region 7 Area going to Cebu Metropolitan Cathedral
Mass – Cebu Metropolitan Cathedral
Archdiocese of Cagayan De Oro
Walk – Capitol Grounds going to St. Agustin Cathedral
Mass – St. Agustin Cathedral.
Ngayong 2020 ang ikaapat na taong pagsasagawa ng Walk for Life, umaasa ang simbahan na muling makikiisa dito ang libu-libong mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa.