188 total views
Sinuportahan ng koalisyon na Manananggol Laban sa Extra Judicial Killings o MANLABAN sa EJK na binubuo ng mga abogado, hukom at law students ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa “Lord, Heal Our Land Sunday” o pagsisimula ng “Start the Healing” campaign ng Simbahan sa EDSA Shrine.
Sa mensaheng ipinadala ni Atty. Edre Olalia – Secretary General ng Nation Union of People’s Lawyers at isa sa mga Convenor ng MANLABAN sa EJK ay inihayag nito ang buong pagsuporta ng koalisyon sa panawagan ng Simbahan na “Stop the Killings, Start the Healing” partikular na sa usapin ng drug related killings sa buong bansa.
“We, lawyers, law professors, judges and law students from the Manananggol Laban sa EJKs (MANLABAN), express our support to the call of Catholic bishops to “Stop the Killings, Start the Healing.” We strongly urge our colleagues in the legal profession to join the Filipino people on November 5 at the EDSA Shrine as we demand an end to extrajudicial killings.” Bahagi ng pahayag ng MANLABAN sa EJK Coalition.
Bukod dito, nanindigan rin ang mga kasapi ng MANLABAN sa EJK na bilang mga Legal practitioners ay kanilang isusulong ang kahalagahan ng karapatang pantao, kalayaan, dignidad at seguridad ng bawat mamamayan mula sa mga walang kabuluhang karahasan at pagpaslang sa bansa.
“As members of the legal profession we value the sanctity of human rights and the equitable rule of law. Hence, we will not remain silent in the midst of the attacks against the right to life, liberty, dignity and security of the people. Together with the Filipino people, we demand accountability for the perpetrators of these senseless killings.” Dagdag pa ng MANLABAN sa EJK.
Bilang paglulunsad sa “Start the Healing” campaign ng Simbahan magkakaroon ng misa sa Edsa Shrine ganap na alas 3 ng hapon na tinagurian bilang “Lord, Heal our Land Sunday” na pangungunahan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Ang “Start the Healing Campaign” ay ang 33-araw na panalangin at panawagan sa pagrorosaryo na magsisimula sa ika-5 ng Nobyembre hanggang sa ika-8 ng Disyembre –kasabay ng kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Concepcion para sa paghilom ng bayan sa gitna ng karahasang idinulot ng mga serye ng pagpasalang sa Anti-Illegal Drugs Campaign ng pamahalaan..