639 total views
Isaalang-alang ang mga nagbibisekleta at may kapansanan sa pagkukumpuni sa mga nasirang daan at imprastraktura ng mga natural na kalamidad.
Ito ang panawagan ni Ira Cruz, executive director ng Move As One Coalition sa pamahalaan matapos ang mapaminsalang bagyong Paeng.
Tiniyak ni Cruz ang kahandaan ng grupo na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagkumpuni ng mga nasirang kalsada, mga tulay at iba pang imprastraktura.
“As we rebuild in the aftermath of typhoon Paeng, we are offering our help to Department of Public Works and Highways (DPWH) and Department of Transportation (DOTr) in designing infrastructure that is more responsive to the needs of Filipinos: To take this as a chance to immediately build more inclusive roads that can promote better mobility by ensuring proper pedestrian sidewalks, ample protected and permanent bike lanes, and priority lanes for public transportation.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Cruz sa Radio Veritas.
Batay sa pinakahuling datos ng DPWH, aabot na sa 2.09-bilyong piso ang naitalang pinsala ng bagyong Paeng sa mga kalsada at iba pang imprastraktura sa bansa.
Sa tala, 12-kalsada at tulay ang lubhang napinsala sa Luzon habang aabot naman sa tig-anim na mga kalsada, tulay at iba pang imprastraktura sa Visayas at Mindanao ang nasira ng bagyo.
Una naring komunsulta si Senator Bong Revilla kay DPWH Secretary Manuel Bonoan sa posibilidad ng pagsasaayos ng mga nasirang daanan at tulay ng bagyo.
Ito ay upang hindi mapatid ang paggalaw ng ekonomiya at kalakalan sa mga lugar na lubhang sinalanta ng kalamidad.
Patuloy naman ang pagtugon ng Simbahan sa mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo.