224 total views
Pormal nang iniluklok bilang bagong Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines si Bishop Oscar Florencio, noong ika-tatlo ng Abril 2019.
Nagsimula ang pagtitipon sa pagdatig ni Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia sa General Head Quarters Building ng Camp Aguinaldo at pagbibigay ng courtesy call sa chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.
Kasunod nito ang banal na misa kung saan iniluklok si Bishop Florencio sa kan’yang cathedra, at ibinigay ang kanyang pastoral staff na sumisimbulo sa kapangyarihan at tungkulin ng isang Obispo na gabayan at maging mabuing pastol sa kanyang nasasakupan.
Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio, sinabi nitong malaking hamon para sa kanya ang pagiging Obispo ng isang Military Diocese.
Inamin nito na hindi siya handa sa pagiging Obispo ng ng isang Military Diocese, gayunman tiniyak nitong pagsusumikapn nitang kilalanin ang bawat isa sa kan’yang nasasakupan.
“Siguro I will have to immerse myself sa mga military chaplains ko and then sa iba-ibang services, because kung hindi mo alam, paano mo mako-connect ang sarili mo doon sa trabaho mo sa pastoral work. Although I’ve been already as Apostolic Administrator for one year and few months so meron na akong nalalaman doon but I think biggest challenge pa rin para sa akin to know better the military diocese. Because I believe that if you do not know your flock, if you do not know your sheep then as a shepherd I will not be able to guide them mahihirapan din ako so yun nga I have to give them also, to go with them, to journey with them kahit na dahan-dahan lang.” pahayag ni Bishop Oscar sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, pinaghahandaan na din ni Bishop Florencio ang nalalapit na paggunita sa mga mahal na araw, at sa rurok ng pagdiriwang ng simbahan sa muling pagkabuhay.
Ayon sa Obispo, magbibigay ito ng mga pag-aaral upang lalo pang mapalalim ang espiritualidad at pananampalataya ng mga nasa ilalim ng Military Ordinariate of the Philippines.
“I will start with the chrism mass and bibigyan ko sila ng points how are we going to do about the holy week and most specially how to prepare ourselves with the paschal celebration the Holy Thursday, Good Friday and Easter Sunday because that is the central event of our Christian life.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Kasabay ng Installation ni Bishop Florencio bilang bagong Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines ang kanyang ika-29 na taon ng pagiging pari.
Dati siyang Auxiliary Bishop o katuwang na Obispo ng Archdiocese of Cebu at sa kasalukuyan ay ika-pitong Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines.