292 total views
Ang bawat mananampalataya ay pawang mga Misyonero at tagapag-bahagi ng habag at awa ng Diyos para sa sangkatauhan.
Ito ang mensahe ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos–WACOM Asia Episcopal Chairman kaugnay sa nagaganap na 4th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Diocese of Penang Malaysia na nagsimula noong September 26 at magtatapos sa September 28.
Ayon sa Obispo, layunin ng Asian Apostolic Congress on Mercy na mas mapalalim at mapatatag pa ang pananampalataya ng mga Katoliko’t Kristyano sa Asya sa biyayang kaloob ng Panginoon.
Layunin din ng pagtitipon na isinasagawa kada tatlong taon na maipamalas at mahubog ang mas malalim na katapatan at pagmamahal ng bawat isa sa Panginoon upang maging isang ganap at matapat na lingkod ng Simbahang Katolika.
“Here with this AACOM our Faith is strengthened and more nourished; loyalty to mother Church is much exemplified; and our love of God is more intensified. We come in the mercy of God. We commit ourselves to God’s mercy. And we will celebrate God’s mercy from here, to our country; from Asia to the world. We are all messengers and missionaries of God’s mercy to all.” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tema ng pagtitipon ngayong taon ang “Experiencing Mercy through the Joy of the Gospel in Asia,”.
Ayon kay Bishop Santos, umaabot ng 2,400 na mga delegado mula sa 12 mga bansa sa Asya ang dumalo sa pagtitipon.
“Here on second day of 4th Asian Apostolic Congress on Mercy in Diocese of Penang Malaysia. There about 2,400 participants from 12 countries with 749 coming from Philippines with 55 priests and five Bishops.” Pagbabahagi pa ni Balanga Bishop Santos.
Naitatag ang naturang pagtitipon noong 2008 sa pangunguna ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) sa Vatican na naglalayong maipalaganap ang walang hanggang habag at awa ng Panginoon partikular sa pamamagitan ng debosyon sa Kabanal-banalang Awa ng Diyos.