24,543 total views
Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.
Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) kasabay ng pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo noong ika-22 ng Hunyo, 2024.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chaplain LT. COL. Fr. Jose Españo na nagsisilbing spiritual director ng MOPODE, mahalaga ang misyon at layunin ng S-C-A-D upang patuloy na maisulong ang kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya sa bansa.
Iginiit ni Fr. Españo na kaisa ng S-C-A-D ang kanilang grupo sa pagpapalaganap ng spiritual at moral principles sa bawat mamamayan sa gitna ng mga tangkang maisabatas ang diborsyo sa Pilipinas.
“𝑊𝑒 𝑎𝑟𝑒 ℎ𝑜𝑛𝑜𝑟𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑗𝑜𝑖𝑛 𝑆𝐶𝐴𝐷 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒𝑖𝑟 𝑚𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛 𝑡𝑜 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑒𝑟𝑣𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑒𝑔𝑟𝑖𝑡𝑦 𝑜𝑓 𝑚𝑎𝑟𝑟𝑖𝑎𝑔𝑒. 𝑂𝑢𝑟 𝑝𝑟𝑎𝑦𝑒𝑟 𝑔𝑟𝑜𝑢𝑝 ℎ𝑎𝑠 𝑎𝑙𝑤𝑎𝑦𝑠 𝑏𝑒𝑒𝑛 𝑑𝑒𝑑𝑖𝑐𝑎𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑢𝑝ℎ𝑜𝑙𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑢𝑎𝑙 𝑎𝑛𝑑 𝑚𝑜𝑟𝑎𝑙 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑐𝑖𝑝𝑙𝑒𝑠, 𝑎𝑛𝑑 𝑤𝑒 𝑠𝑒𝑒 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑎𝑙𝑙𝑖𝑎𝑛𝑐𝑒 𝑎𝑠 𝑎𝑛 𝑒𝑥𝑡𝑒𝑛𝑠𝑖𝑜𝑛 𝑜𝑓 𝑜𝑢𝑟 𝑐𝑜𝑚𝑚𝑖𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡, 𝑠𝑒𝑒𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑣𝑜𝑟𝑐𝑒 𝑖𝑠 𝑎 𝑤𝑜𝑟𝑘 𝑜𝑓 𝑡ℎ𝑒 𝑑𝑒𝑣𝑖𝑙.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Españo.
Nilinaw ng Pari na mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t-ibang grupo at organisasyon upang matiyak ang patuloy na pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya sa bansa.
Inihayag ng pamunuan ng S-C-A-D) na ang MOPODE ang magsisilbing prayer warriors at spiritual support ng kowalisyon laban sa pagsasabatas ng absolute divorce sa Pilipinas.
“As part of this collaboration, MOPODE members and supporters will serve as prayer warriors in the fight against divorce legislation. Their role will involve continuous prayer, spiritual support, and advocacy to reinforce SCAD’s efforts.” Pagbabahagi ng SCAD.
Tutukan ng S-C-A-D ang lobbying o pakikipag-dayalogo sa mga Senador upang pigilan ang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas matapos na tuluyang ipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill noong ika-22 ng Mayo, 2024.
Unang kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas na natatanging bansa bukod sa Vatican na walang umiiral na diborsyo.