21,986 total views
Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado.
Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling pagsasaayos sa bahagi ng paaralan na natupok ng apoy.
“As a communion of schools, we share more than just educational practices and principles; we are committed to supporting each other in times of need. Recently, our community faced a significant setback when a fire caused extensive damage to Paco Catholic School. Classrooms, resources, and equipment were destroyed, but thankfully, no lives were lost. Paco Catholic School has always been more than a school—it’s a place where students grow, teachers inspire, and families connect. Now, they need our help to recover and rebuild. We call on our MaPSA family to come together and provide financial support to aid their recovery efforts.” Bahagi ng panawagan ng MaPSA.
Layunin ng donation initiative ng MaPSA ang pagsasaayos ng mga pasilidad at silid-aralan na nasunog, gayundin ang pagpapalit sa mga kagamitan at kasangkapan sa pagtuturo sa paaralan bilang suporta sa mga guro at mag-aaral na naapektuhan ng sunog sa lugar.
Ayon pa sa pahayag; “No contribution is too small; every donation makes a significant impact. To donate, please get in touch with Mr. Chris Panaglima at [email protected]. Your kindness and generosity will help Paco Catholic School recover and reaffirm our shared values of compassion and solidarity.”
Sa mga nagnanais na tumulong at magbahagi ng donasyon sa muling pagsasaayos sa nasunog na bahagi ng Paco Catholic School ay maaring makibag-ugnayan kay Mr. Chris Panaglima sa pamamagitan ng [email protected].
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-otso ng gabi ng Sabado, ika-20 ng Abril, 2024 ng nagsimula ang sunog sa bahagi ng mga katabing tahanan at establisyemento ng Paco Catholic School na kalaunan ay umabot na din sa isang gusali ng paaralan.
Kabilang sa bahaging nasunog sa Paco Catholic School ang bahagi ng San Pedro Calungsod Bldg., MDC Gym at Laboratory rooms nito, kasama na ang ilang faculty room kasama na ang mga dokumento at gamit sa pagtuturo ng mga guro.