171 total views
Tiniyak ng Diocese of Iligan na hindi nag-iisa ang Prelatura ng Marawi sa patuloy na pagbangon mula sa kaguluhang idinulot ng higit tatlong buwang bakbakan sa siyudad sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.
Ayon kay Fe Salimbangon, Social Action Coordinator ng Diocese of Iligan, kaisa ng Marawi ang kanilang Diyosesis sa pagsusumikap na makabangon mula sa pinsala at epekto ng digmaan.
“Yung Duyog Marawi is a program from the Prelature ng Marawi, na ibig sabihin nung Duyog is ‘to journey, to accompany, to be with’. Duyog is to be reminded na hindi sila nag-iisa marami silang kasama…”pahayag ni Salimbangon sa Radio Veritas
Samantala, ibinahagi ni Salimbangon ang pagtutok na sa livelihood training ng mga evacuees upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Bukod dito, tinutugunan din nila ang kalagayan ng mga estudyante mula sa Marawi na karamihan ay nag-aaral ngayon sa Iligan City.
Ipinaliwanag ni Salimbangon na napakahalaga ng pagkakaroon ng pagkain sa pang-araw-araw ngunit dapat ding bigyan ng mapagkakakitaan ang mga bakwit na pangtustos sa kanilang iba pang pangangailangan.
“We have to expand not merely from relief tapos magta-transition na tayo to livelihood training, iniisip namin scholarship din kasi maraming mga estudyante sa Marawi na dito nag-aaral sa Iligan, siyempre wala na silang income so paano yung pag-aaral nila, merong mga graduating students, yun din yung inaalala namin kung saan kami makakuha ng pondo para sa kanila tapos yung families ng mga Marawi workers, yung mga nagtatrabaho sa Marawi na yung iba namatay, yung iba missing although yung iba nakauwi naman…” pahayag ni Salimbangon.
Ika-30 ng Agosto 2017 ng inilunsad ng Prelatura ng Marawi ang Duyog Marawi bilang unang hakbang sa pagbabalik sa normal ng buhay ng mga residente na bukod sa relief operations at rehabilitation ay magsagawa rin ang psycho social intervention dahil sa epekto ng digmaan lalu na sa mga kabataan.
Read: Pagtugon sa mental health crisis ng Marawi bakwits, malaking hamon sa Simbahan