23,856 total views
Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa.
Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa normal ang buhay ng mga taga-Mindanao.
“It is about time we normalize everything. Everyone in the govt says, including the military & police that peace & order is at its top & their governance is well placed, so we end ML. There is no more need for it.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Nangangamba ang Obispo na magagamit lamang ng mga nasa poder ang martial law sa nakatakdang halalan sa Mayo 2019.
Naninindigan si Bishop Bagaforo na magkakaroon ng democratic exercise sa tungkulin ng mamamayan na bumoto sa darating na halalan kapag pinawalang bisa ang martial law.
“This can assure us of a democratic exercise of our suffrage in this coming elections.” pahayag ni Bishop Bagaforo