229 total views
Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Vice President ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang banal na Misa sa paggunita ng ika-47-anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang Banal na Misa ay bahagi ng Martial Law commemoration na may titulong “Sambayanihan: Pag-alaala, Panalangin, Pagpiglas” sa ika-21 ng Setyembre.
Bago ang Misa ay ang paghahandog ng cultural presentation at pagbabalik tanaw sa naging kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Martial Law.
Tampok rin sa gawain ang pagbabahagi ng karanasan ng ilang mga kilalang Martial Law personalities at maging ng mga kasalukuyang human rights defenders mula sa iba’t-ibang sektor na nagsusulong sa sectoral at environmental rights laban sa authoritarian rule ng kasalukuyan administrasyon.
Isusulong sa pagtitipon ang pagbibigay halaga sa demokrasya laban sa political repression, militarization, extra-judicial killings, paglaganap ng kahirapan at soberenya sa teritoryo ng bansa.
“Titled: “Sambayanihan: Pag ala ala, Panalangin, Pagpiglas”, the event is a one and half hour cultural presentation featuring personalities from the Martial Law years of the 1970s and the current batch of human rights defenders fighting for sectoral and environmental rights and against authoritarian rule. The groups will call for the protection of democracy and sovereignty against the assault of political repression, militarization, extra judicial execution, unrelenting poverty and the violation of territorial integrity.” panawagan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA).
Isasagawa ang Banal na Misa sa Christ the King Mission Seminary ganap na alas-kwatro y medya ng hapon na susundan naman ng Candle Lighting upang ipanalangin at ipanawagan na mawakasan na ang karahasan at paglabag sa karapatang pantao.
The program will be on September 21, 2019 (Saturday) at 3:00pm at the Christ the King Mission Seminary Covered Court, at 101 E. Rodriguez Sr. Blvd Quezon City. Timeframe: 3:00- 4:30 pm SAMBAYANIHAN 4:30- 5:30 pm Mass by Bishop Pablo Virgilio David, D.D. , Bishop of Caloocan; Vice Chair, CBCP 5:30- 6:30 pm Call to Action and Launch of the #EndTheAssault campaign for Human Rights Defenders – Candle lighting, Manifesto signing.
Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law na tumagal ng 14 na taon, umaabot sa 3,000 ang sinasabing pinaslang habang mahigit sa 75-libong indibidwal naman ang nalabag ang karapatang pantao dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.
Nagwakas ang rehimeng Marcos at Martial Law na tumagal ng 14 na taon sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution noong taong 1986 na naging inspirasyon ng iba’t ibang bansa upang isulong ang kani-kanilang kasarinlan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pananalangin sa halip na dahas.