209 total views
Magsasagawa ng ‘Benefit concert’ ang Pontificio Collegio Filippino sa Roma.
Ayon kay Fr. Gregory Gaston Vatican correspondent ng Radio Veritas sa Roma ito ay gaganapin sa ika-18 ng Nobyembre simula alas-3 ng hapon sa Theatro Italya kung saan tampok ang Filipino singer na si Martin Nievera.
Kabilang din sa maghahandog ng kanilang mga talento sa pag-awit ang PCF Singing Priest at ilang pang local talents.
“Yung ating kaparian kakanta rin, ‘yung ating singing priest ng Collegio. May ibang local talents din dito sa Roma na makikikanta rin,” ayon kay Fr. Gaston.
Ayon kay Fr. Gaston ang malilikom na pondo ay para sa ipinapagawang ‘Filipiniana themed library’ ng Collegio Filipino para sa mga aklat na mula sa Pilipinas at inakda ng mga Pilipino.
“We hope to double the size of our library, to accommodate more books and researchers. The whole right wing of the basement is envisioned to house Filipiniana publications on Theology, Philosophy, Canon Law, History, Arts and Culture, Sociology, etc., needed for serious studies on the Church in the Philippines. This way any researcher in Europe could come to the Collegio to do research,” ayon kay Fr. Gaston.
Bukod sa konsiyerto, magkakaroon din ng movie screening na may titulong ‘Almost a Love Story’ na pinagbibidahan ni Derrick Monasterio at Barbie Forteza.
Sa kasalukuyan ay may 33 mga Student Priest na nanatili sa Collegio sa taong ito para magpakadalubhasa sa larangan ng Theology, Philosophy, Canon Law at doctoral degrees sa iba’t ibang Pontifical Universities sa Roma.