Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Masigasig na paghanap sa katotohanan.

SHARE THE TRUTH

 266 total views

Mga Kapanalig, matapos ang halos apat na taóng hospital arrest, nakalaya na nga noong isang linggo ang dating pangulo at ngayo’y kinatawan ng Pampanga sa kongreso na si Gloria Macapagal-Arroyo. Bilang tugon sa apela ng kanyang mga abogado, sinabi ng mas nakararaming miyembro ng Kataas-taasang Hukuman na hindi sapat ang mga ebidensyang magdidiin kay Ginang Arroyo sa kasong pandarambong o plunder, partikular na ang kanyang pangingi-alam di-umano sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Gaya ng inaasahan, ikinagalak ito ng mga taga-suporta at kaibigan ni CGMA, dahil sa wakas ay malaya na siya at makapaglilingkod na sa kanyang mga kababayan sa Pampanga. Para sa kanila, “politically motivated” kaya’t hindi makatarungan ang pagpipiit sa kanya sa mahabang panahon. Mayroon namang mga hindi kumbinsido sa naging batayan ng pasya ng Korte Suprema. Para sa mga kumikuwestyon, nagmistulang bulag at bingi ang mga mahistrado sa napakaraming ebidensyang inihain ng opisina ng Ombudsman. Mayroon ding nagsasabing pinaburan lamang ng ilang mahistrado ang kahilingan ng dating pangulo dahil siya ang nagtalaga sa kanila sa Korte Suprema.

Iginagalang po natin ang naging pasya ng Korte Suprema, ngunit kailangang tanggapin nang may pag-iingat hindi lamang ang naging desisyon kundi pati na rin ang iba’t iba at magkakasalungat na opinyon tungkol dito.

Matatandaang may mga katulad na kasong isinampa noon laban sa mga may katungkulan sa pamahalaan ngunit kalaunan ay nakalaya rin. Nariyang may nabigyan ng presidential pardon, at mayroon ding pinayagang makapagpiyansa. (Hindi rin po sila nakulong sa ordinaryong bilangguan.) Tiyak na mayroong ligal na batayan ang pagpapalaya sa mga taong-gobyernong inakusahang nagnakaw sa kaban ng bayan, at marami po sa atin ang hindi naiintindihan ang lahat ng iyon. At ngayon nga, may nakasampa namang kaso laban sa dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang kalihim dahil pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program o DAP na may ilang bahaging salungat sa Saligang Batas.
Mga Kapanalig, kung kalakaran na ang pagkakaso at kalauna’y pagpapawalang-sala, hindi kaya’t may mali sa ating sistema ng pagpapanagot sa mga taong sangkot sa katiwalian? Sa kasalukuyang sistemang pangkatarungan, ebidensya ang pangunahing batayan para patunayan kung ang isang tao ay nagkasala, kaya’t kung hindi sapat ang ebidensya, walang karampatang parusang maipapataw. Tama po iyon, ngunit ibang isyu na kung ang mga dapat nagtataguyod ng katotohanan ay hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin, gaya ng hindi pagkalap ng sapat at matibay na ebidensya o kaya naman ay ang lantarang pagkiling ng mga taong dapat maging patas.

Itinuturo sa atin ng Catholic social teaching o CST na ang mga tanggapang may tungkuling alamin at linawin ang pananagutan ng mga akusado ay dapat maging masigasig na hanaping maigi ang katotohanan. Kasabay ng paghahanap ng katotohanan, kailangang napangangalagaan din ang dangal at mga karapatang pantao, kapwa ng nasasakdal at ng nagawan ng pagkakamali.

Bilang isang bayan, paano ba natin pinahahalagahan at itinataguyod ang katotohanan? Itinatago ba natin ito sa ating mga panghuhusga kahit wala pang malinaw na batayan? O baka naman galit at paghihiganti ang nagtutulak sa ating isulong ang pagpaparusa sa isang tao? Sa kabilang banda, mas pinipili ba nating limutin na lamang ang ginawang kasalanan sa halip na papanagutin ang mga taong inuna ang kanilang mga pansariling interes at ang ganid ng mga taong pinagkakautangan nila ng loob?

Mabigat na akusayson ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, hindi lamang dahil may perang kinuha, kundi dahil sinisira nito ang kinabukasan ng marami, lalo na ng mahihirap, at dahil winawasak nito ang tiwala ng bayang pinangakuang pagsisilbihan. Dito mahalaga ang papel ng mga institusyong naghahanap at nagtataguyod ng katotohanan. Tayo naman po, mga Kapanalig, bilang mga mamamayan ay may tungkuling ipagtanggol ang katotohanan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,394 total views

 33,394 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,471 total views

 48,471 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,442 total views

 54,442 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,625 total views

 58,625 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,906 total views

 67,906 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,395 total views

 33,395 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 48,472 total views

 48,472 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 54,443 total views

 54,443 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 58,626 total views

 58,626 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,907 total views

 67,907 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,766 total views

 50,766 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,011 total views

 49,011 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,319 total views

 99,319 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,787 total views

 108,787 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,207 total views

 80,207 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,466 total views

 86,466 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,783 total views

 100,783 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,150 total views

 86,150 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,741 total views

 73,741 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,343 total views

 86,343 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top