415 total views
Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na sama-samang idulog sa Panginoon ang kapayapaan at katiwasayan ng buong daigdig.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, vice-chairperson ng CBCP Migrants ministry kasunod ng deadliest shooting na naganap na Texas noong May 25.
Ayon sa obispo nararapat hilingin sa Diyos ang pagpapanibago ng puso ng mga taong may masasamang intensyon na maghasik ng karahasan sa lipunan.
“It is urgent and necessary to call in God for all safety and peace in the community. We implore God’s power and mercy that those harboring evil and hatred intentions would have change of heart. All must be constant and persevering to pray, and never waiver in their faith in God,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sa ulat ng Texas police mahigit sa 20 ang nasawi sa pamamaril sa Robb Elementary School na karamihan ay kabataan sa murang edad.
Kinilala ang suspek na si Salvador Ramos na bago ang insidente ay binaril ang sariling lola sa kanilang tahanan.
Ito ang ikalawang pinakamalalang karahasan kasunod ng Sandy Hook shooting sa Connecticut noong 2012 na ikinasawi ng 26 na indibidwal.
“In spite of bad things happening, trust God all the more and turn to Him. Always be careful and take necessary precautions,” ani ng opisyal.
Una naman ng Kanyang Kabanalan Franciso sa mundo na wakasan ang kalakalan ng armas sapagkat nagdudulot ito ng labis na karahasan sa pamayanan.
“It is time to say “no more” to the indiscriminate trafficking of weapons,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Iginiit ng punong pastol ng simbahang katolika na kailanman ay hindi tugon ang armas para sa pagbubuklod sa pamayanan.
Labis na ikinalungkot ni Pope Francis ang nagyaring insidente at tiniyak ang pakikiisa sa pamilya ng mga biktima sa pamamagitan ng pananalangin para sa kapanatagan at katarungan.
Hinimok din ng santo papa ang bawat mamamamayan na magtulungang upang hindi na maulit ang trahedya.