1,970 total views
Lalong lumalaki ang antas sa kalagayan ng mga manggagawa at mayayamang negosyante sa bansa.
Ito ang pinuna ng Church People Workers Solidarity (CWS) matapos ilathala ng Forbes Magazine Philippines ang top-50 richest Filipino sa taong 2023.
Iginiit ng CWS na hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang patuloy na paglago ng kita at yaman ng mga mayayamang negosyante na naitala sa 11-percent ngayong 2023 kumpara sa kanilang kita noong taong 2022.
Ikinalulungkot ng C-W-S na hindi halos makaahon sa kahirapan ang mga ordinaryong manggagawa dahil sa kakarampot na sahod na pinakikinabangan naman ng mga employer. “As large capitalists continue to reap super profits and live in great comfort, the majority of Filipinos grapple with grave vulnerabilities made worse by poverty wages,” ayon sa mensahe ng CWS.
Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa mga negosyante at pamahalaan na itaas ang minimum wage upang mai-angat naman ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.Binigyan diin ng C-W-S na batay sa pag-aaral ng IBON foundation, 1,160-pesos ang family living wage sa N-C-R dulot ng pagtaas sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. “The dignity of work must be continuously upheld against the systemically ingrained issue of income inequality, where a privileged minority basks in undeserved luxury, workers who create the wealth of society have the right to fight for a significant wage increase and living wages,” paliwanag ng CWS sa Radio Veritas
Binigyan diin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II na nararapat bigyang halaga ang kapakanan ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.