24,412 total views
Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao.
Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol sa kawan ng Panginoon upang mapagnilayan, matalakay at mapagpasyahan ang mga usaping dapat na tutukan ng Simbahan sa bansa.
“May the Holy Spirit guide all the participants throughout this assembly, and may the decisions and plans made here lead to a stronger and more vibrant Catholic community in our country.” Bahagi ng mensahe ni Atty. Sarmen.
Kabilang sa ipinapanalangin ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang tagumpay ng Kalipunan ng mga Obispo sa pagtalakay at paghahalal ng mga mamumuno sa Commission on Catholic Education, Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, Sub-commission for Permanent Deacons, at ng Office for the Postulation of the Causes of Saints.
Kabilang din sa ipinapanalangin ng Sangguniang Laiko ang gagawing paglalatag ng mga gawain ng CBCP para sa nalalapit na Jubilee Year 2026 ng Simbahang Katolika na itinalaga ni Pope Francis bilang Pilgrims of Hope na isang magandang pagkakataon upang muling mahikayat ang bawat Pilipino na magbalik loob sa Simbahan at sa Panginoon.
“We wish you all the best for a very successful conference filled with meaningful discussions and fruitful outcomes. The election of chairpersons for the Commission on Catholic Education, the Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, the Sub-commission for Permanent Deacons, and the Office for the Postulation of the Causes of Saints will surely be pivotal for the future of our Church. Additionally, the proposed activities for the Jubilee 2025 celebrations in the Philippines promise to bring great joy and spiritual renewal to our nation.” Dagdag pa ni Atty. Sarmen.
Bago ang pulong, una na ring sumailalim sa retreat ang Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas noong July 2, na ginanap sa Transfiguration Abbey na pinangasiwaan ng Benedictine Monks sa Malaybalay, Bukidnon kung saan kabilang sa nagbigay ng talk si Vatican Secretary for Relations with States Archbishop Paul Gallagher.
Pormal namang magsisimula ang pagpupulong ng kalipunan sa mula July 6-8 Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City kung saan tinatayang mahigit sa 80-obispo ang dadalo.
Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 83 aktibong obispo, limang paring tagapangasiwa at 39 na honorary members o mga retiradong obispo.