Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 896 total views

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma,

Ika 20 ng Marso 2022, Lukas 13:1-9

Ewan ko kung napansin na ninyo ang isang simbolo ng Diyos sa mga lumang simbahan: isang matang nakadilat na nasa gitna ng isang triyanggulo o sa Tagalog, tatsulok. Alam nyo, dati-rati negative ang reaksyon ko sa simbolong ito. Para bang lagi tayong winawarningan, “Huwag kang pasaway diyan, nakabantay ang Diyos. Kahit saan, kahit kailan nakikita niya ang ginagawa mo.” Para bang ang konsepto ng Diyos ay isang Super-CCTV, na kapareho ng konsepto ng reality TV program na inimbento para sa mga mahilig mag-usyoso sa buhay ng may buhay: BIG BROTHER. “Nanonood si Kuya, hala ka!”

Totoo, pwede mo nga namang bigyan ng ganoong kahulugan ang dilat na mata sa loob ng tatsulok, sumisimbolo baga sa isang Diyos na nakakatakot, parang security guard na di mo nakikita, pero nakikita ka niya. Pero alam nyo, hindi pala ganoon ang orihinal na interpretasyon nito. Sa orihinal nitong pakahulugan sa bibliya, simbolo ito ng Diyos na mahabagin.

Ang kabaligtaran ng larawan ng dilat na mata na laging nakatingin ay ang madalas na gamiting simbolo naman ng Hustisya—isang babaeng may hawak na timbangan pero nakapiring o may takip ang mga mata. Ibig sabihin, “Walang kinikilingan, walang pinapaboran, hustisyang totoo lamang.” Para slogan ito ng isang TV network ano? Haha. Alam natin ang ibig sabihin ng simbolong ito: “Pag guilty, guilty. Parusahan. Ang batas ay batas.”

Pero alam nyo ba, mayroon daw isang estado sa United States, di ko na maalala kung alin, doon daw sa kanilang Court of Justice, ang larawan ng Hustisya ay medyo kakaiba. Isang babae rin na may hawak na timbangan pero hindi siya nakapiring kundi nakatingin. Malinaw din ang ibig sabihin nito. Paano ka nga ba naman huhusga kung di mo alam ang sitwasyon? Di ba kaya nga sa isang democratic legal system meron munang due process ng batas? At bahagi nito ang masusing imbestigasyon bago huhusgahan ang tao kung guilty or not guilty? Sa Russia ngayon, guilty ka kaagad, magsulat ka lang ng mensaheng GIVE PEACE A CHANCE sa isang placard, o magsabing NO TO WAR.

Siguro ito ang dahilan kung bakit nasabi ni Hesus sa kanyang Sermon on the Mount, “Do not judge and you shall not be judged…” Alam din naman niya na bahagi talaga ng buhay ang gamitin natin ang ating pag-iisip para tayo makapagdesisyon nang mabuti o humatol nang tama. Palagay ko ang talagang ibig sabihin ng Panginoon ay, “Huwag magpadalos-dalos sa paghatol kung marami ka pang hindi alam.”

Napaka-importante ng reminder na ito lalo na kung sa desisyon mo nakasalalay ang buhay o kinabukasan ng ibang tao. Isang malaking pananagutan mo sa Diyos kapag nagkamali ka. Obligasyon mo talaga na alisin ang piring na tumatakip sa paningin mo. Ano ang mga iyon? Iyung bias o mga paunang hatol o simpleng haka-haka. Isantabi mo at tumingin kang mabuti.

May warning pa nga ang Panginoon sa ebanghelyo sa mga humahatol nang malupit na walang batayan. Baka daw ipalasap sa atin ng Diyos ang malupit nating panghuhusga sa kapwa kung walang batayan ito. Ganoon ang punto ng sagot niya sa mga nagsasabing “Siguro dumanas ng ganyang pagdurusa ang mga pinaslang ni Pilato at yung mga nabagsakan ng tore sa Siloam dahil makasalanan sila at pinarusahan sila ng Diyos.” Hindi po totoo na lahat ng nagdurusa dito sa mundo ay may kasalanan. Ano ba ang kasalanan ni Hesus, ba’t ipinako siya sa krus? Ano ba ang kasalanan ng isang senadorang hanggang ngayon nakabilanggo pa rin at hindi nalilitis sa korte ang kaso matapos ang apat na taon?

Napakalinaw ng aplikasyon ng ebanghelyong ito sa ating lipunan sa kasalukuyan, lalo na ngayong malapit na naman ang eleksyon. Halimbawa, tinanong ka, “Sino ang iboboto mo?” Sagot mo—“Si ganito.” Tinanong ka, “Bakit, ano ang dahilan?” Sagot mo—“A basta, iyun ang gusto ko e. Respetuhin mo na lang ako.” Iyon ay sagot ng isang taong sarado ang isip. Nakapiring ang mata pero sulong pa rin nang sulong sa dilim.

Kung isang grupo tayo na nakatali sa isa’t isa, pero may kasama kang nakapiring ang mata pero pilit na nagsasabing doon daw sa gawing kanan ang tamang direksyon, at mukhang marami ang gustong sumunod sa kanya na nakapiring din ang mga mata. Ikaw naman dahil lumuwag na ang panyolitong nakatakip sa mga mata mo at nasilip mo na papunta pala kayo sa isang bangin. Hindi mo naman sila masaway dahil hindi nga nila nakikita. So, ano ang dapat mong gawin?

Sasabihin mo ba, “Ok. Bahala ka sa buhay mo. Gusto mo ng respeto edi sige, rerespetuhin ko na lang ang gusto mo. Ganoon ba?” Hindi. Bakit? E nakakabit kayo sa isa’t isa. Pag nahulog sila, hulog ka rin. So ano ang magagawa mo? Edi tulungan mong maalis ang piring na tumatakip sa kanilang mga mata! Ang social media ngayon ang isa sa pinakamabisang pambulag sa maraming mga tao. Pero pwede rin siyang gamitin bilang panggising o pang-mulat.

Ito ang punto ng ating mga pagbasa. Huwag mong hayaang matakpan ang isip mo ng mga paunang hatol. Halimbawa may nagdusang isang tao, huwag mong basta sasabihing siguro deserved niya, siguro may kasalanan siya. Para bang tulad ng epekto ng mga propaganda tungkol sa Ukraine. Mayroon tuloy nagsasabing “Siguro deserved nila ang ginawa ng Russia sa kanila.”

Ang sagot ng Panginoon sa mga taong ganyan mag-isip ay, “Pag hindi mo binago ang pag-iisip mo, baka ipalasap ng Diyos sa inyo ang pagdurusa nila—para maturuan kayo ng liksyon.” Iyon ba ang tinatawag na KARMA? Hindi po. Ang karma, parang automatic justice. Hindi ganyan ang hustisya ng Diyos. Ang hustisya ng Diyos ay hindi nakapiring, may batayan. Hindi siya bulag. Nakadilat ang kanyang mga mata. Nakikita niya ang totoo. Katotohanan ang batayan ng desisyon niya, hindi haka-haka, hindi fake news.

Nakikita ng Diyos ang nakikita ng hardinero sa kuwento ng ebanghelyo. Ang may-ari kasi ng ubasan sa kuwento, isang bagay lang ang nakikita niya: na walang ibinubunga ang fig tree, kaya pinasisibak niya. Ang hardinero, may alam siya na hindi alam ng may-ari—na kulang sa pataba at sa tubig ang fig tree, kaya hindi nagbubunga. Kaya gusto niyang bigyan pa ito ng pagkakataon. Ang habag ay hindi kabaligtaran ng hustisya. Ang habag ay hustisya ng Diyos na nakakakita sa hindi natin nakikita.

Sa ating unang pagbasa ito ang sinasabi ng Diyos kay Moises: “NAKIKITA KO ang paghihirap na nararanasan ng aking bayang inalipin sa Ehipto. NARIRINIG KO ang mga hinaing nila. ALAM KO ang mga pagdurusang pinagdaraanan nila. Kaya bumaba ako para iligtas sila.” Ano ang ginagawa ng Diyos? Dahil pilit tinatakasan ni Moises ang masakit na katotohanan na nakikita niya, binubuksan niya ang kanyang mga mata at tainga.

Kung minsan kasi, kapag masakit ang dating ng katotohanan, parang ayaw nating tumingin o makinig. Minsan pinipili talaga nating magbulag-bulagan o magbigi-bingihan. Minsan ikakatwiran din natin, “Ba’t pa ako makikialam sa buhay ng may buhay? Baka tawagin pa akong pakialamero.” Iyon pala, magkakabit-kabit tayong lahat. Pag nahulog siya, hulog ka rin, hulog tayong lahat sa bangin.

Pag nasaktan siya, masasaktan din tayo. Sabi nga ni San Pablo, ang sambayanan ng mga alagad ay katawan ni Kristo. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan. Ang ginhawa ng kalingkingan pag gumaling sa sakit, ay ginhawang mararamdaman din ng buong katawan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,503 total views

 33,503 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,159 total views

 48,159 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,274 total views

 58,274 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,851 total views

 67,851 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,840 total views

 87,840 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,414 total views

 7,414 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,544 total views

 9,544 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,544 total views

 9,544 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,545 total views

 9,545 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,541 total views

 9,541 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,414 total views

 10,414 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,615 total views

 12,615 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,648 total views

 12,648 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,002 total views

 14,002 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,098 total views

 15,098 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,307 total views

 19,307 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,025 total views

 15,025 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,395 total views

 16,395 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,657 total views

 16,657 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,350 total views

 25,350 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top