1,118 total views
Tiniyak ng Pilipinas at Thailand Defense Forces ang pananatiling matatag ng 1997 Philippines-Thailand Memorandum of Understanding (MOU).
Ito ay upang mapangalagaan ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa at pangangalaga sa seguridad o kapakanan ng kani-kanilang mamamayan.
Ito ang napagkasunduan sa pulong ni Department of National Defense (DND) Assistant Secretary for Strategic Assesments and International Affairs Pablo Lorenzo at Deputy Permanent Secretary for Defence ng Thailand Ministry of Defence Nuchit Sribunsong sa ika-apat ng pagdaraos ng Joint Committee on Military Cooperation (JCMC) sa pagitan ng dalawang bansa.
“Assistant Secretary Lorenzo invited General Sribunsong and the Thai delegation to the Philippines for the 5th JCMC meeting in 2024 which will coincide with the 75th anniversary of diplomatic relations between the Philippines and Thailand. Both officials looked forward to further strengthening defense and military relations,” ayon sa ipinadalang mensahe ng DND sa Radio Veritas.
Natalakay din ng dalawang opisyal ang pagtutulungan isusulong ang pagpapatibay ng humanatirian aid upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang masasalanta ng kalamidad sa hinaharap.
Kasabay ito ng pagtutulungan upang mapatibay din ang cyber security, modernization , military medicine at maritime security efforts.
“Prior to the meeting, the Philippine delegation also rendered a courtesy call on General Sanichanog Sangkachantra, Permanent Secretary for Defence, Ministry of Defence of Thailand, where the Assistant Secretary welcomed Thailand’s commitment to developing defense relations between the two countries,” ayon pa sa mensahe ng DND.
Una ng hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang mga lider ng ibat-ibang bansa na itigil na ang anumang uri ng digmaan at sa halip ay isulong ang pagkakaisa at pagpapabuti sa kalagayan ng kanilang mga nasasakupang mamamayan.