164 total views
Hinangaan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang matibay na pananampalataya ng mamamayan sa Mindanao sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap dulot ng magkakasunod na na lindol sa rehiyon.
Ayon sa pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas kumakapit at nananalig sa Panginoon ang mamamayan na isang magandang indikasyon na buhay ang pagkilos ng Diyos sa kanilang mga sarili.
Naantig ang puso ng Arsobispo sa pahayag ng isa sa mga biktima ng lindol na sinasabing hindi sila pinababayaan ng Panginoon.
“Archbishop, wala gyud matulog ang Ginoo, gitagad gyud mi sa Ginoo [Archbishop, hindi talaga natutulog ang Panginoon],” pagbabahagi ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.
Binigyang diin ng pinuno ng CBCP na ang matibay na pananampalataya sa Panginoon ng mamamayan ang magsisilbing daan upang muling bumangon sa trahedyang naranasan.
“There faith is one so real factor that bearing, standing up resilient in this difficult times ,” ani ng Arsobispo.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 21 ang naitalang nasawi habang halos 30-libong pamilya ang nagsilikas para sa kanilang kaligtasan na kasalukuyang tinutugunan ng iba’t ibang sektor kabilang na ang simbahang katolika.
Nauna nang nagpaabot ng halos isang milyong pisong tulong pinansyal ang Caritas Manila.
Nagsasagawa rin ng Caritas Damayan Mindanao Telethon ang social arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang Radio Veritas 846 para makapangalap ng karagdagang pondo para sa long term rehabilitation program sa Mindanao earthquake victims partikular sa Dioyosesis ng Kidapawan.
Read: Caritas Damayan Mindanao telethon, isasagawa ng Radio Veritas
Watch Prayer of Archbishop Romulo Valles: