227 total views
Pangungunahan ng Archdiocese of Manila ang pagdaraos ng annual sports fest na Parilympics bukas, araw ng lunes, ika-23 ng Septyembre sa Paco Manila.
Ayon kay Father Marthy Marcelo, Sports Commissioner ng Archdiocese of Manila, layunin nito na lalo pang palakasin ang samahan ng mga pari hindi lamang sa pamamagitan ng mga spiritual gatherings kun’di maging sa larangan ng sports.
“The goal will always be unifying yung brotherhood ng mga kaparian, apart from just have meeting each other during retreats or forum, at least ito yung outside the regular which is yung sa mga leisure and recreational activities din naman magkatipon-tipon yung mga pari.” Bahagi ng pahayag ni Father Marcelo sa Radyo Veritas
Kabilang sa mga dadalo sa pagtitipon ang Sufragan Dioceses ng Archdiocese of Manila na Diocese of Cubao, Malolos, Novaliches at Antipolo.
Naniniwala si Father Marcelo na ang Parilympics ay isang magandang pagkakataon din upang sariwain ang dating pagiging isa ng mga diyosesis na nagmula sa Archdiocese of Manila.
“This is an opportune time also for us to rekindle memories with brothers who are previously part of the Archdiocese of Manila. It’s not about the competitive nature of the sport but is more about the gathering or the unity among brother priests.” Dagdag pa ng Pari.
Kabilang sa mga sports na lalaruin sa pagtitipon ang tennis, badminton, bowling at basketball.
Magkakaroon din ng partikular na mga araw na gaganapin sa mga diyosesis ng Novaliches, Malolos at Antipolo ang ilang laro ng basketball.
Noong nakaraang taon limang mga Diyosesis at isang Religious Congregation ang lumahok sa Parilympics kung saan kasabay na ipinagdiwang ang Year of the Clergy and Consecrated Persons.
Itinanghal bilang overall champion sa Parilympics 2018 ang Order of Augustinian Recollects.