983 total views
Ito ang panuntunang ilalabas ng Department of the Interior and Local Government o DILG para maging batayan ng mga mamamayan sa pagpili ng mamumuno sa mga barangay at Sangguniang Kabataan.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ito ang unang pagkakataon na maglalabas ng mungkahi ang ahensya para tulungan ang mga botante na makapili ng maayos na lider sa kanilang komunidad.
“For the first time ang DILG po ay maglalabas ng mga mungkahi o panuntunan sa pagpili po ng ating mga barangay official at SK official. Ito po yung matino, maasahan at mahusay. Pero siyempre kailangan din ho ang malasakit at tapang dito sa panunungkulan natin sa barangay.” pahayag ni Diño sa Radyo Veritas.
Iginiit ng opisyal na kinakailangan din ang tapang at malasakit ng mga mamumuno sa bawat barangay sa bansa lalo’t sa panahon ngayon laganap ang iligal na droga.
Batay naman sa pahayag ng COMELEC at DILG, 90-porsiyento nang handa ang bansa para sa Barangay at SK Elections sa darating na ika – 14 ng Mayo.
Sa panlipunag katuruan ng Simbahang Katolika ay karapatan ng bawat mamamayan ang pagpili ng mga mamumuno sa komunidad kaya’t nararapat na hindi ito pigilan sa halip ay mas itataguyod ito ng pamahalaan.