370 total views
Dapat nang matuto ang sangkatauhan sa aral na dala ng pandemic novel coronavirus.
Ito ang panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Bishop David-acting president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-ang pandemya ay maliwanag na isang environmental phenomenon.
“Kasi ang covid pandemic is an environmental phenomenon na bigla nating naramdaman ang mortality natin, ang vulnerability natin na hindi pala tayo almighty na isang microscopic virus pwede palang i-threaten ang survival ng buong human species,” ayon kay Bishop David sa Pastoral Visit on-air ng Radio Veritas.
Dahil sa pandemya ay napatunayan din ng sangkatauhan ang mga kakulangan ng bawat pamayanan na sa kabila ng makabagong kaalaman at teknolohiya ay nakontrol nito ang buhay ng marami gayundin ang pandaigdigang ekonomiya.
Jubilee for the Earth
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ng Season of Creation ang Jubilee for the Earth na humihikayat din sa bawat parokya at mga kristiyano sa buong mundo na gumawa ng mga programa para sa kapaligiran.
“Ito yung pagkakataon na magpahinga hindi lamang ang mga tao, kundi pati ang lupa. Parang bigyan mo rin ng pahinga ang kapaligiran. So parang, masyado nating inaabuso ang ating kalikasan. Walang duda na mahalaga ang produksyon at ito siguro yung isa sa ating mga learning experience ngayong dumaranas tayo ng pandemya,” ayon kay Bishop David.
Hangad din ng obispo lalu na sa mga kapitalista na iwaksi ang kaisipan na kumite sa kabila ng pag-aabuso sa yaman ng kalikasan.
Bukod sa pinsalang dulot ng labis na paggamit ng likas na yaman, ay nakakalikha din ang tao na mas maraming basura na pumipinsala din sa sa ating nag-iisang tahanan.
“Alam natin ni many cases na may over production hanggang to the point masira na ang naproduce para makontrol ang market that is very distractive to the environment and it produces a lot of unnecessary solid waste, liquid waste, gaseous waste and you are choking the world,” ayon pa kay Bishop David.
Una na ring hinikayat ng Santo Papa Francisco ang sangkatauhan na maging kaiisa sa pangangalaga sa kalikasan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.