299 total views
Hindi kailanman maaring tumahimik ang Simbahang Katolika sa mga usapin ng estado lalo na sa usapin ng naapakan na ang moralidad ng tao.
Ayon kay dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz, nakabatay sa Bibliya ang pakikialaman ng Simbahan kasama na rito ang reason at ethics upang ipangaral dun kung ano ang tama at mali.
Pahayag ito ng arsobispo kaugnay ng muling pagbuhay sa same sex union/marriage bill sa Kamara.
“Ang Simbahan ang kanyang pamantayan una sa lahat ay nakasulat sa Banal na Bibliya di puwedeng dagdagan yun at bawasan, so as far as the church is concern that is the fundamentals of all the teachings and practices that the church has doon po nakabatay…may isa pa, yung reason and ethics, what is right or wrong according to reason, that’s ethics, yung isa according to faith that is moral, pagsamahin ninyo ito.” Pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritasan.
Binigyang halimbawa ng arsobispo ang nangyari sa Sodom at Gomorrah na pinaulanan ng apoy dahil na rin sa sobrang kasamaan.
“Matatandaang may Sodom and Gomorrah ayon sa Bibliya, naging sanhi ng pagkamuhi (bagamat hindi ito ang wastong salita) kaya dun pinaulanan ng apoy, ang simbahan ba ay maaring tumahimik kapag ang alam niya na hindi wasto ayon sa etika at moral ang isang gawain?, pwede ba niya tanggapin ang isang bagay na mali na hindi sang-ayon sa katwiran at sa pananampalaya, hindi po siya malaya. Hindi po maaring tumahimik ang Simbahan pagkat ang utos ni Hesus teach the gospel to all nation, mangangaral siya magsasalita siya, makinig ka kung gusto mo kung ayaw mo huwag mo, may katangian na mangaral ang simbahan ayon sa ethics at moral
Kaugnay nito, inihayag ni archbishop Cruz na iginagalang niya ang mga miyembro ng LGBT community subalit hindi akma na gawin o ipilit ang mali na maging tama gaya ng pagpapakasal ng parehong babae at parehong lalaki.
Pahayag din ng arsobispo, karapatan din ng mga mambabatas na ihain ang panukala subalit hindi niya makita dito ang dahilan kung bakit ipinipilit pa rin ang mali.
“Karapatan po nila yan, ang sabi ko lang bakit ano kayang nais nilang mangyari, magbanggaan na naman ang Simbahan at estado, eto na naman same sex marriage bill kung mararapatin ninyo isa po ito sa pinakamahabang bagay na pinag-aralan ko and I wrote a book about it, I spoke about not the LGBT , I talk about gender identity difficulty, pagkat ginagalang natin sila, tao din sila, nung sinabi ng Diyos mahalin mo ang iyong kapwa di naman niya sinabi pwera lang sila (LGBT) so ang tanong ko bakit dumadami sila at sa kanilang pagdami lalo natinsila dapat maunawana, kaya lang may mga pgakakataon na hindi pwede maging white ang black, white is white, black is black.” Ayon pa sa arsobispo.
Dagdag nito, ang same sex marriage ay “incarnate falcity”.
Sinasabi ko lang itong same sex marriage is an incarnate falcity meaning pagbaligtarin mo man yan, ito ay kontradksyon na ang dalawang babae ay magiging mag-asawa, ang dalawang lalaki magiging mag-asawa, ginagalang ko ang mga karapatan ng mga tao na ito, sabi ng Diyos mahalin mo ang lahat ng tao. Kahit sa hayop man wala noon, wala kayong makikitang dalawang tandang na magkasama, kaya ginawa ng Diyos ayon sa Bibliya, gumawa siya ng lalaki, hinugot sa kanyang tadyang si Eba, nagsimula ito sa isang babae at lalaki, kaya may mga bagay na hindi talaga pwede.” Dagdag nito.
Hanggang nitong July ng 2016, nasa higit 20 bansa na ang nagsa-ligal ng same sex union.