165 total views
Ito ang pagninilay ni Sr. Zeny Cabrera – Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry Coordinator kaugnay sa layunin ng Republic Act (RA) 10592 o ang Conditional Expanded Good Conduct Time Allowance na naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng good behavior sa loob ng bilangguan.
Inihayag ng Madre na bilang bahagi ng Prison Ministry ng Simbahan at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice, Bureau of Corrections at sa Board of Pardons and Parole ay naging malinaw ang pagpapaliwanag sa layunin at nilalaman ng nasabing batas na nagpapakita ng puso para sa mga bilanggong nagnanais makapagbagong buhay.
“Itong IRR Republic Act (RA) 10592 ito po ay naipaliwanag sa amin ng husto, sa aming pakikipag-ugnayan sa ating DOJ, BuCor at lalong lalo na po sa Board of Pardons and Parole nakikita ko po na dito ipinapakita na may puso ang batas, may puso ang batas…”pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.
Tiniyak rin ni Sr. Cabrera na nakahanda ang Panginoon na patawarin ang mga nagkasala sa lahat ng pagkakataon.
Nilinaw ng Madre na mahalaga ang malinis na kalooban at tapat na pagsisisi ng mga bilanggo sa nagawang kasalanan at pagkakamali upang ganap na mapatawad ng Panginoon.
“Kung ang isang inmate ay may magandang kalooban at matinding pagnanais na makalaya sa kanyang kasalanan at sa kanyang nagawang pagkakamali matinding pagkakamali sa buhay, mayroong Diyos na nagpapatawad…” Dagdag pa ni Sr. Zeny Cabrera.
Naunang inihayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs na naaangkop na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lahat ng mga nagkasala ngunit dapat na matiyak na ang pagpapalaya sa mga ito ay nauukol sa sinasabi ng batas.
Read: Nasa likod ng pagpalaya sa mga convict ng heinous crimes, kailangang parusahan