187 total views
Nagpaabot ng mensahe si Archdiocese of Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga pinuno ng mayayamang bansa na tulungan ang milyun-milyong biktima ng El Niño sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay Bishop Bagaforo, nauunawaan nito ang pinagdadaanan ng ibang mga bansa lalo na sa bahagi ng Africa dahil dinanas rin ng kanilang lalawigan ang matinding tagtuyot na nagdulot ng kagutuman.
Hiling ng Obispo, ang agarang pagpapadala ng tulong sa mga biktima upang hindi matulad sa nangyari sa Cotabato na nauwi sa karahasan ang paghingi ng tulong ng mga magsasaka sa pamahalaan.
“Sana ang mensahe natin ay makarating sa malalaking ekonomiya ng bansa katulad ng Amerika at sa Europa at maglaan ng konting pondo at pera para masagot ang pangangailangan ng mga apektadong mga tao dahil sa El Niño Phenomenon. Dalawa lang naman ang kailangan nila, pagkain saka tubig so sana matulungan yon at maipakita natin yung awa at malasakit sa mga kahirapan ng ating mga kapatid sa iba’t ibang panig ng daigdig na biktima ng El Niño.” Pahayag ng Obispo.
Ayon sa United Nations Humanitarian Affairs, ang 2015-2016 El Niño phenomenon ang pinakamatinding tagtuyot na naitala sa kasaysayan dahil sa pinsalang idinulot nito sa 13 bansa sa Africa, Asya, Central at South America, at Pacific.
Dahil dito, pinangangambahan naman ng ahensya ang kabaliktarang epekto ng El Niño na matinding pagbaha sa ibang bahagi ng mundo.
Sa ulat ng U-N, umabot sa humigit 60 milyong indibidwal sa buong mundo ang biktima ng El Niño at nangangailangan ng tulong kabilang ang 32 milyon sa Southern Africa na kailangan ng pagkain tubig at suportang pang agrikultura.
Sa pagtataya rin ng UN, maaaring tumaas pa sa 3.6 na bilyong dolyar ang kinakailangan upang matustusan ang pangangailangan ng mga biktima ng El Niño.
Kaugnay dito, naiulat naman sa Pilipinas na umabot sa P7.01