2,875 total views
Natuklasan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na mayorya ng mga estudyante ang tutol sa panunumbalik ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps o R-O-T-C.
Ayon sa survey ng C-E-A-P sa 20,461 estudyante sa kolehiyo at Senior High School na nag-aaral sa kanilang member school, 53% ang tutol, 28% naman ang sang-ayon at 19% sa bilang ang hindi tiyak kung sang-ayon o tutol sa panunumbalik ng mandatory ROTC.
Mula sa bilang ng 53% na tumutol, 54-percent naman ng mga estudyante ang nangangamba na dagdag na pasakit sa mga mag-aaral ang mandatory ROTC, 42% naman ang nagsasabing dagdag gastusin ito sa mga nagpapaaral sa kanila, 34% ang nangangamba dahil sa korapsyon at karahasan na maaring maranasan, 17% ang tutol at 6% ang may magkakaibang uri ng dahilan.
Mula naman sa 28% na sumang-ayon, 68% ang nais matuto o magkaroon ng kakayahan sa pagiging sundalo, disaster preparedness at civic exercises, habang 46% ang naniniwala na magtuturo ang ROTC ng pagmamahal sa bayan, 45% naman ang inaasahan ang mga matatanggap na benepisyo katulad ng libreng uniporme at 7% ang naniniwalang magtuturo ito ng disiplina sa mga mag-aaral.
Ang mga respondent ay binubuo ng 7,576 Grade 11 Students, 6,719 naman ang Grade 12 at 6,166 ang mga mag-aaral sa kolehiyo kung saan 65% ang kababaihan habang aabot sa 35% ang mga lalaking estudyante.
Nagmula naman ang survey sa lathala ng CEAP Online Gazzette para sa buwan ng Mayo na tinatalakay ang ibat-ibang gawain at inisyatibo ng CEAP na may 1,600 mga kasaping miyembro na paaralan at iba katolikong institusyon.
Naunang inihayag ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio na magiging mabuti ang pagsusulong ng mandatory ROTC kung maayos itong maipapatupad sa mga paaralan at mapangalagaan ang kapakan ng mga estudyante