22,730 total views
Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error.
Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations.
Ayon sa VTS, 26-percent sa mga respondent ang nagsasagawa ng pag-aayuno, 10-porsiyento naman ang nagkakaloob ng kawanggawa, 3-porsiyento lamang ang nag-aayuno at nagdarasal sa paggunita ng Semana Santa.
Ikinatuwa naman ni Radio Veritas President Fr.Anton CT Pascual sa resulta ng survey na karamihan sa mga katolikong Pilipino ang tumutupad sa kanilang Holy week obligations.
Ipinaalala ni Fr.Pascual na napakahalaga sa bawat mananampalataya na magkaroon ng “true inner conversion of hearts” ngayong Semana Santa.