7,429 total views
Nakukulangan ang mayorya ng mga Pilipino sa mga nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.sa unang 100-araw nito sa panunungkulan bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Ito ang lumabas sa nationwide Veritas Truth Survey (VTS)na isinagawa mula ika-18 ng Setyembre hanggang ika-6 ng Oktubre, 2022.
Sa tanong na “How would you rate President Marcos Jr. first 100-days in office? 25-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing GOOD ang performance ng PBBM, 22-percent naman ang nagsabing POOR, 21-porsiyento ang FAIR, 13-percent ang EXCELLENT, 11-porsiyento naman ang VERY GOOD habang 8-percent ang UNDECIDED.
Sa young adult respondents(22-39 years old)9-percent ang nagbigay ng GOOD na grado kay PBBM, 35-percent ang FAIR, 50-percent ang POOR.
Sa adult respondents(40-60 years old)11-percent ang nagsabing EXCELLENT, 14-porsiyento ang very GOOD, 41-percent ang GOOD,16-percent ang FAIR,14-percent POOR at 4-percent ang undecided habang sa elderly respondents (61-years above)24-excellent, 24-percent GOOD,17-percent very GOOD,15-percent FAIR, 11-percent POOR at 9-percent ang undecided.
Nilinaw ni Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas 846 na ang resulta ng V-T-S sa public perception kay PBBM ay epektibong gabay sa kasalukuyang administrasyon na isulong ang kabutihan ng mamamayang Pilipino.