184 total views
Ito ang paglalagom ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ‘Heart to Heart Talk with Cardinal Chito’ sa ikatlong araw ng Philippine Conference on New Evangelization o PCNE na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Ayon kay Cardinal Tagle, sa pamamagitan ng pagtugon ng bawat isa sa nag-iisang panawagan sa mga pari, consecrated person at layko tungo sa kabanalan bilang pakikibahagi sa pagkapari ni Hesus sa kabila ng pagkakaiba ng estado sa buhay, lahi, kultura at pananampalataya.
Iginiit ng Kaniyang Kabunyian na mahalagang pakinggan ang karanasan ng mga taong nagsisikap na mamuhay sa kabanalan bilang misyonero ng simbahan sa lipunan para matuto, at magsilbing inspirasyon ng bawat isa.
“We want to listen to people who are engaged in their respective missions. We want to receive from them, to learn from them. We want to be encouraged by them. And to the consecrated people we also want to listen to them about their testimonies of holiness in life,” ayon kay Cardinal Tagle.
Si Sr. Luz Olalia ng Sisters of Good Shepherd ay isang Filipino missionary sa South Korea na ginawaran ng mga parangal dahil sa kaniyang paglilingkod sa mga migrante kabilang na ang Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Sr. Olalia kabilang sa kanilang mga tinutulungan sa Korea ay mga Pilipinang naging asawa ng mga Koreano na bagama’t hindi kabilang sa tinatawag na ‘domestic helpers’ ay nakakaranas ng iba’t ibang pang-aabuso.
“We provide them counseling and shelter for those women who ran away from their husbands, not only for Filipinos but also those who are from other poor countries ,” ayon kay Sr. Olalia.
Taong 2010 si Sr. Olalia ay kabilang sa Presidential Awardee ng Banaag award; ginawaran din bilang ‘Outstanding Citizen award’ sa Pension City sa South Korea noong 2014 at kabilang sa mga nagtatag ng ‘Friends without Boarders Migrants Center noong 2004.
Naging tanyag si Fr. Teresito ‘Chito’ Suganob ng Prelatura ng Marawi na halos apat na buwan bihag ng mga terorista nang lusubin ang Islamic City of Marawi noong nakalipas na taon.
Sa kabila ng karanasan naniniwala pa rin si Fr. Suganob na magtatagumpay pa rin ang kapayapaan sa Marawi sa pamamagitan ng patuloy na pagdadayalogo.
“Para sa akin kahit ganun ang nangyari sa buhay ko ang reply ko ay peace and love pa rin kasi ‘the way of Jesus is the way of Peace,’’ ayon kay Fr. Suganob na 23 taong nagsisilbi para sa interreligious ministry sa Marawi.
Si Samira Gutoc-Tomawis isang peace advocate; dating mambatatas ng ARMM; dating commissioner ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) at miyembro ng Ranao Rescue Team na tumulong sa mga Muslim at Kristiyano sa kasagsagan ng Marawi Siege.
Naniniwala si Tomawis sa payapang pamumuhay kasama ang mga kristiyano at hindi dapat bigyang puwang ang galit.
“The clarion call is to kneel and pray,” ayon kay Tomawis.
Si Antoinette Taus na dating child actress at na kasalukuyang isang volunteer na tumutulong sa mga kabataan at pamilya sa pamamagitan ng ‘feeding program’.
“The world would be a very better place if everybody would have even cared for others more,” ayon kay Taus.
Kabilang din sa mga naging panauhin sa taunang programa ng PCNE sina Brunei Bishop Cornelius Sim; at Culiat Elementary School Teacher Sabsy Ongkiko.
Ang PCNE ay taunang programa na inisyatibo ng Archdiocese of Manila na nagsimula noong July 16 hanggang sa July 22.