381 total views
Ito ang nasasaad sa Ensiklikal ni Pope Emeritus Benedict the 16th noong 2009 na Caritas in Veritate.
Sinasabi sa Ensiklikal ni Pope Benedict na ang media ay maaring makapagbigay ng mahalagang kontribusyon tungo sa ikauunlad ng pakikipagkaisa ng pamilya at karakter ng lipunan kapag ginagamit sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.
Sa ganitong konteksto ay nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights sa pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa sa kasong cyber libel.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, bagamat sang-ayon ang kumisyon sa implementasyon ng batas ay kinakailangan itong maging patas para sa lahat ng mamamayan.
Iginiit ni De Guia na dapat na tiyakin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas para sa lahat.
“The Commission on Human Rights agrees that, in all cases, the rule of law must prevail. It is these same laws that ensure that each and every right is upheld and protected. As there are questions on the arrest of Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, we urge the government to ensure Constitutional guarantees, including due process and equal protection of laws, are equally applied to her.” pahayag ni De Guia.
Hinimok naman ni De Guia ang mamamayan na maging mapagmatyag sa mga nagaganap na kawalang katarungan sa lipunan.
“At this point, our interest is truth. We must always be vigilant against injustices donned with a cloak of legality—for laws are meant to guard our rights, not be used as tools to violate them.” Dagdag pa ni De Guia.
Nabatid sa Southeast Asia Media Report ng International Federation of Journalists (IFJ) noong December 2018 na ang Pilipinas ang may pinakamalalang kaso ng Media Impunity sa Timog-Silangang Asya dahil sa mataas na bilang kaso ng media killings.
Sa tala naman ng National Union of Journalists (NUJP) mula 1986 ay umaabot na sa 185 ang bilang ng mga napapaslang na mga mamamahayag na karamihan ay hindi pa rin nabibigyang katarungan.
Nauna ng iginiit ng Kanyang Kabanalan Francisco na dapat na laging isaisip at isapuso ng bawat isa ang mas makabubuti para sa kapwa maging sa larangan ng pamamahayag kung saan maraming mamamayan ang umaasa sa mga impormasyong isinasapubliko ng media.