565 total views
Kinundena ng mga makakalikasan at katutubong grupo ang kawalang pagkilos ng pamahalaan sa nangyayaring diarrhea outbreak sa mga katutubong pamayanan sa lalawigan ng Rizal at Quezon.
Ayon kay Kakay Tolentino, tagapagsalita ng Network Opposed to Kaliwa, Kanan, and Laiban Dams, kailangan nang magsagawa ng medical investigation at relief operations para sa mga katutubong Dumagat ng Tanay, Rizal at General Nakar, Quezon.
Nananawagan din ang grupo sa administrasyong Marcos para sa agaran at tiyak na pagtugon sa mga katutubong apektado ng nangyayaring outbreak.
“We cannot have a president who prioritizes leisure at a time when the Filipino people are suffering. This Indigenous Peoples’ Month, what we need is a strong commitment to uphold the rights of our indigenous peoples to a safe and healthy environment, and to put a stop to destructive projects taking place in their lands.” pahayag ni Tolentino.
Nagsimula ang diarrhea outbreak sa komunidad ng mga Dumagat sa lalawigan ng Quezon at Rizal sa bahagi ng Sierra Madre matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding noong Setyembre 25, 2022.
Makaraan ang isang linggo, siyam na Dumagat ang nasawi habang hindi bababa sa 100-katao ang nagkasakit sa katutubong pamayanan.
Itinuturo naman ni Kalikasan People’s Network for the Environment national coordinator Jon Bonifacio na sanhi ng paglaganap ng outbreak ang tinututulang pagtatayo sa Kaliwa Dam.
“With the scale of ecological disruption brought about by big projects such as the Kaliwa Dam, there’s no telling what the downstream effects are in store for local communities. Unfortunately, these may include disease outbreaks, such as this.” ayon kay Bonifacio.
Suportado naman ng Kalikasan PNE ang panawagan para sa medical investigation lalo na’t lubos na ring apektado ng outbreak ang hanapbuhay ng mga katutubo.
Batay sa tala, 33-porsyento ng 14-17-milyong mga katutubo sa Pilipinas ang naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre kung saan nananahan ang mga Katutubong Dumagat.