253 total views
April 6, 2020, 2:22PM
Patuloy na tumatanggap ang mga institusyon ng simbahan ng mga frontliners upang kanilang maging pansamantalang tirahan dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine dulot ng pandemic coronavirus disease.
Mula sa higit walong daang bed capacity may limang daang medical frontliners na ang nanunuluyan sa mga binuksang institusyon.
Ayon kay Fr. Jun Abogado ng Healthcare Ministry ng Archdiocese of Manila, kabilang sa mga institusyong tumatanggap ng mga frontliners ang anim na parokya at dambana, pitong paaralan ng Archdiocese of Manila at anim na dormitoryo.
Ibinahagi din ni Father Abogado na pitong kumbento rin at dormitoryo ng religious congregations sa ilalim ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang tumanggap ng mga frontliners.
Institutions serving:
Parishes 3
Shrines 3
RCAM ES schools 7
Dorm/residence/halls 6
AMRSP-women religious 11
AMRSP-men religious 6
Kabilang sa mga pansamantalang nanunuluyan sa mga institusyon ng Simbahan ang mga nurse at medical staff ng siyam na pagamutan sa Metro Manila.
Ito ang Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center, Mary Johnston Hospital, Manila Doctors Hospital at Medical City.
Bukod dito, 75 kawani ng Manila City Jail ang nanunuluyan sa Holy Trinity School sa Balic-Balic, Sampaloc.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Archdiocese of Manila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease para naman sa ibang church facilities na bubuksan para sa mga PUI’s at PUM’s ng COVID-19.