284 total views
Mga minamahal na kapatid sa panginoong Hesukristo tayo po lahat ay napupuno ng kaligayahan at nagpupuri sa Diyos sa araw na ito.
Ang pagdating ng isang obispo sa kaniyang sambayanan ay paalala sa atin na hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, na siyang pastol. Siya talaga ang pastol. Nagpapalit-palit ang mga obispo pero hindi nagbabago ang simbahan dahil si Hesus ang tunay na pastol.
Nagpapasalamat tayo kay Bishop Francis, sabi nga ni Archbishop Soc na nagtiwala siya at kahit kakilakilabot ay pumayag siya na maging daan, kamay at bibig at maging instrumento ng Panginoon na si Hesus sa kaniyang pagpapastol lalo na dito sa Antipolo, Bishop Francis maraming salamat ha at umattend ka sa installation mo (laughs).
Noong paupo na po sya doon (upuan) sabi ko huwag kang tatakas, iuupo muna kita umupo naman mukang enjoy enjoy na nakaupo. Darating din ang araw na tatayo ka rin diyan at may ibang iluluklok dyan, pero huwag tayong mabahala si Hesus ang Obispo, si Hesus ang nangangalaga sa kanyang simbahan kaya mahalin natin si Bishop Francis, pero hindi sya ang Diyos, hindi sya. We come and go a new priest will come and go so bring your community to Jesus for he is the one reserve because he is the true pastor.
Pero nagsasalita rin po ako dito sa ngalan ng Ecclesiastical Province of Manila, ang simbahan po kasi ay bukluran, communion. Bagamat magkakaiba at dapat naman magkakaiba, ang magkakaiba binuklod para maging iisang katawan at ang Antipolo po ang Diocese of Antipolo ay bahagi ng bukluran ng tinatawag nating Ecclesiastical Province of Manila. Kaya sa ngalan po ng 12 Dioceses kasama ang Military Ordinariate na bumubuo ng Ecclesiastical Province of Manila, ipinapaabot namin ang aming pagbati sa Diocese of Antipolo at kami ay kasama ninyo sa paghahanap lagi papano ba tayo tutugon sa tinig ng ating pastol na si Hesus sa mga pangyayari dito sa ating Ecclesiastical Province, igalang nyo po ang pagkakaiba, wag nyong hanapin kay Bishop Francis si Bishop Gabby, magkaiba sila e, magkaiba, sa buhok na lang magkaiba at sa katawan. At salamat sa Diyos magkaiba sila. kahindik hindik kung sila ay magkamukha, iisa ang isip.
The church will not survive that way, there is a certain diversity that leads to division, but there is diversity that is a gift of the spirit, to strengthen the Church and through the diversity the many gifts of the church are used to respond to the many needs of the church. Alam po ninyo si Bishop Gabby, soft spoken, nagbibiro pero pati ang biro nya serious. Ito si Bishop Francis, isa na po ito sa pinacorny na tao na nalikha ng Panginoon sa kasaysayan ng sanlibutan. Pero salamat na lang na may Obispo na corny biruin nyo kung walang corny na obispo pare-pareho kami ng tinig, pare-pareho ng ayos, how boring .
So nagpapasalamat ang Ecclesiastical province of Manila na may Antipolo na may sariling yaman, sariling esperitwalidad na hindi mahahanap sa ibang dioceses at yumayaman ng pananampalataya sa Ecclesiastical Province of Manila, salamat sa natatanging ambag ng Antipolo, ng Pasig, ng Caloocan, ng Novaliches, ng Imus, ng San Pablo, ng Cubao, ng Malolos, ng PAranaque, ng Military Ordinariate…12 po. How rich is the church would be because of the communion because of the diversed gifts that everyone contributed. at sana naman mapagyaman din ang Diocese of Antipolo ng maiaambag ng iba pang mga Diocese dito sa ating communion.
At pagwawakas po ang Diocese of Antipolo ay nagtatransition. Bawat transition ay mapanganib. It is a crisis moment, graduation, pagraduate sa elementary papuntang highschool delikado yan, pagraduate mo ng highschool papuntang college delikado yan, yung pagraduate mo ng college delikado yan, di mo alam kung may trabaho ka o wala. Ang pag-aasawa transition delikado yan, ang ordinasyon vows transition delikado yan. pagpapalit ng obispo transition medyo crisis yan.
Kaya pinagaganda natin ee, ang kasal wag nating harapin ang difficulty, magandang gown, magandang damit, magandang make up, magandang bulaklak para makalimutan sandali. this is a crisis moment, pero wag tayong mag alala ang salitang crisis ibig sabihin desisyon. It is not about problems, it is decision. Papano pangangalagaan ang buhay sa gitna ng pagbabago. Walang dapat ikatakot ang Diocese of Antipolo ang ating ina ang our Lady of Good Voyage, malubak mang ang daan, matataas man ang alon, mahangin man sa alipaap, ao mang transition mula sa isang lugar patungo sa kabila, nandyan siya, dala ang kanyang kapayapaan. Kaya Bishop Gabby salamat, Bishop Francis salamat, sa bumubuo ng Diocese of Antipolo salamat. Salamat lalo na sa ating ina ang nagbigay ng tunay na Obispo si Hesus, siya ang magpapayapa sa atin sa paglalakbay tuwi-tuwina.
Maraming Salamat po.