467 total views
Binigyang-pugay ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga ama na labis ang sakripisyo para sa pamilya at bayan.
Kinilala ni Bishop Oscar Jaime Florencio lalo na ang mga security personnel na nakahandang mag-alay ng buhay para sa kaligtasan ng bansa at mamamayan mula sa panganib tulad ng terorismo at rebelyon.
Tiniyak ng Obispo ang panalangin para sa kanilang kaligtasan habang ginagampanan ang tungkulin sa bayan gayundin ang kapanatagan ng loob ng bawat pamilya.
“To all my dear men in uniformed services: Happy Father’s Day. As you lay your lives serving our country, we salute you. Remember too that we are praying for you and your dependents wherever you are. May the good Lord keep you in his loving embrace. Keep safe always,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.
Inihayag ni Bishop Florencio ang kahalagahan na ipagdasal ang kaligtasan ng mga sundalo, pulis, bumbero at iba pang security personnel na nahaharap sa panganib ang buhay sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Kabilang sa military diocese ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management & Penology, at Veterans Memorial Medical Center.
Sa datos ng Catholic Hierarchy katuwang ni Bishop Florencio sa pangangasiwa sa military diocese ang 154 na mga pari sa 75 parokya sa buong bansa.
Itinatag ito noong December 1950 sa bisa ng decree ni Pope Pius XII bilang Military Vicariate habang April 1986 nang maingat na Military Ordinariate sa pamamagitan ng Apostolic Constitution Spirituale militum curae na inilathala ni St. John Paul II.