Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga aral at babala mula sa trahedya

SHARE THE TRUTH

 419 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit 41,000 katao na ang naitatalang namatay sa dalawang napakalakas na lindol na tumama sa mga bansang Turkiye at Syria.

Sumabay ang 7.8 at 7.5 magnitude na lindol sa matinding taglamig na nararanasan sa mga bansang iyon, at lalo itong nagpapahirap sa kalagayan ng mga nakaligtas. Sa Syria, dagdag-dagok ang pinsalang iniwan ng lindol sa nagpapatuloy na civil war doon. Tunay na nakapanlulumo ang nangyari sa Turkiye at Syria. Ang nararanasan nilang pagdadalamhati ay naranasan din ni Hesus, gaya ng mababasa natin sa Juan 11:35, kaya dasal nating maipakita ng Maykapal sa mga naapektuhan ng lindol na Siya ay isang Diyos na tumatangis din at nararamdaman ang kanilang sakit. Maramdaman sana nila ito sa mga naghahatid sa kanila ng tulong at kalinga.    

Samantala, magsilbing mahalagang aral din sana sa atin dito sa Pilipinas ang trahedyang nangyari sa Turkiye at Syria.  

Hindi naman sa nananakot tayo, ngunit ang ating bansa ay isa sa mga bansang pinakalantad sa lindol. Nakapaloob kasi tayo sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan maraming bulkan at madalas maganap ang mga lindol. Ayon nga sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (o PHIVOLCS), nasa 100 hanggang 150 na lindol ang yumayanig sa bansa bawat taon. Ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa atin ay noong 1990 kung saan pinabagsak ng magnitude 7.7 na lindol ang maraming gusali. Hindi bababâ sa dalawang libo ang namatay.

Sa Turkiye, sinisisi sa malawak na pinsala ang hindi pagsunod ng mga contractors sa mga building at engineering standards. Mahigit isandaang indibidwal ang hinuli at pinagpapaliwanag kung bakit tila mga toreng papel na bumagsak ang mga itinayo nilang gusali. Ngunit may mga nagsasabing istratehiya lamang ito ng gobyerno sa Turkiye upang hindi sa kanila bumagsak ang sisi. May patakaran din kasi roon na pinapayagang magbayad na lang ng penalty ang contractor ng isang gusaling hindi sumunod sa mga regulasyon, at hinahayaan na lang itong okupahan ng mga tao kahit hindi matibay at matatag. Noon ngang 2019, inamin ng gobyernong mahigit kalahati ng mga gusali sa Turkiye, na katumbas ng 13 milyong apartment units, ay hindi compliant sa kanilang building code.

Dito sa Pilipinas, gaano nga ba tayo kakampanteng matitibay at matatatag ang mga gusali? Sumusunod nga ba ang mga contractors sa mga building standards? Wala bang nagpapabayâ sa kanilang tungkuling tiyaking walang mga gusaling iligal na ipinatatayo? Nababantayan ba ng kinauukulan ang lahat ng mga istrukturang itinatayo, lalo na rito sa mga lungsod kung saan napakaraming tao? Huwag naman sanang isang malakas na lindol pa ang maging paraan upang malaman natin ang sagot sa mga tanong na ito. 

Ipinakikita sa atin ng mga trahedyang katulad ng nangyari sa Turkiye at Syria kung gaano kalaki ang responsabilidad ng pamahalaan sa pagtiyak na ligtas ang mga mamamayan mula sa mga panganib katulad ng lindol. Ito kasi ang nagpapatupad ng mga batas at nagtitiyak na nasusunod ang mga tamang pamantayang may kinalaman sa ating kaligtasan. Kung ligtas ang mga tao, napangangalagaan ang kanilang dignidad. Ang dignidad ng tao, saad nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang dapat na pangunahing tuon ng mga ginagawa ng mga nasa gobyerno. Kung bigo silang ipatupad ang mga batas na magtitiyak ng kaligtasan natin sa mga panganib—at mas matindi pa kung may katiwaliang sangkot dito—hindi nila maitataguyod ang dignidad ng tao. 

Mga Kapanalig, hindi sapat ang mga earthquake drills at maya’t mayang paalala upang maging handa sa lindol. Kailangan ng isang gobyernong sineseryoso ang pagpapatupad ng mga patakaran kung saan buhay ng tao ang nakataya. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,809 total views

 29,809 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,465 total views

 44,465 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,580 total views

 54,580 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,157 total views

 64,157 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,146 total views

 84,146 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,810 total views

 29,810 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,949 total views

 2,949 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,466 total views

 44,466 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,581 total views

 54,581 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,158 total views

 64,158 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,147 total views

 84,147 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,599 total views

 48,599 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,624 total views

 43,624 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,193 total views

 47,193 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,648 total views

 59,648 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,715 total views

 70,715 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,034 total views

 77,034 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,645 total views

 81,645 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,205 total views

 83,205 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,766 total views

 48,766 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top