13,863 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila.
Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at Pastoral-Spiritual Integration Year naman si Fr. Joselito Buenafe.
Gayundin sina Fr. Leo Angelo Ignacio bilang Director of the Configuration Stage Department; Fr. Joel Jason, Dean of Studies ng San Carlos Graduate School of Theology; Fr. Jaime Vidal Zuniga, Director ng Discipleship Stage Department; Fr. Ryan Jamemar Belono-ac, Dean of Studies, Discipleship Stage Department; Fr. Joseph Don Zaldivar, Spiritual Director ng Discipleship Stage Department; Fr. Emerico Sixto Juan Garcia, Spritual Director, Configuration Stage; Fr. Celestino Pascual naman ang Confessor; at Rector ng Minor Seminary si Fr. Jaime Marquez.
Itinalaga rin ni Cardinal Adcvincula si Fr. John Patrick Calimlim bilang kura paroko ng Nuestra Senora de Salvacion Parish sa Sta. Mesa Manila; si Fr. Kristoffer Habal naman ang bagong kura paroko ng Sts. Peter and Paul sa Makati City kahalili ni Fr. Genaro Diwa na itinalang Chaplain ng Sacred Heart of Jesus Chaplaincy ng Power Plant Mall sa Rockwell.
Itinalaga naman si Fr. Adolfo Bonghanoy Jr., MSP, bilang Team Ministry Moderator ng Our Lady of the Abandoned Parish sa Mandaluyong City; Fr. Joselito Martin bilang kura paroko at head ng transition team ng Nuestra Senora de Gracia Parish sa Makati City.
Pamumunuan naman ni Msgr. Jose Clemente Ignacio ang Philippine Realty Corporation na nangangasiwa sa ilang ari-arian ng arkidiyosesis habang si Fr. Reginald Malicdem naman ng Chairman ng Catholic Travel, Inc katuwang si Fr. Dave Concepcion bilang pangulo.
Ilang mga pari at deacon din ang itinalaga ng cardinal bialng mga katuwang na pastol sa mga parokya at mission stations ng arkidiyosesis.
27-2024-Circular-Appointments-February-to-April-2024