Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

SHARE THE TRUTH

 16,061 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons kaugnay sa taunang paggunita ng Araw ng mga bayani.

Ayon sa Obispo, kasabay ng pag-alala sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa ay hindi din dapat na kalimutan ng bawat isa ang pag-aalay ng sarili ni Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco, hindi dapat na kalimutan si Hesus sa pagbibigay parangal sa mga pambansang bayani ng bansa sapagkat ang pag-aalay ng sariling buhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang isa sa nakapagbigay lakas sa mga bayani ng bansa upang isakripisyo rin ang kanilang sarili para sa kalayaan ng bayan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco, hindi dapat na kalimutan si Hesus sa pagbibigay parangal sa mga pambansang bayani ng bansa sapagkat ang pag-aalay ng sariling buhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang isa sa nakapagbigay lakas sa mga bayani ng bansa upang isakripisyo rin ang kanilang sarili para sa kalayaan ng bayan.

Tema ng paggunita sa Araw ng mga Bayani ngayong taon ang “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago” na naglalayong kilalanin ang iba’t ibang kabayanihan ng mga Pilipino maging sa kasalukuyang panahon.

Ang taunang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay alinsunod sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 9492 (24 Hulyo 2007), na nagtatakda sa huling Lunes ng Agosto ng paggunita sa mga pambansang bayani na nagsakripisyo ay nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.

Samantala sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, itinuturing na mga bayani ang mga karaniwang taong sinaksihan ang kanilang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan tulad na lamang ng mga martir at mga santo na mga huwaran kung paano mabuhay bilang mga taga-pagpalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa isang magulo at kumplikadong mundo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 79,070 total views

 79,070 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 89,069 total views

 89,069 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 96,081 total views

 96,081 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 105,329 total views

 105,329 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 138,777 total views

 138,777 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
12345
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 15,304 total views

 15,304 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 15,949 total views

 15,949 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112