Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga biyaheng pinopondohan natin

SHARE THE TRUTH

 106,442 total views

Mga Kapanalig, batay sa General Appropriations Act of 2024, nasa 1.4 bilyong piso ang inilaang badyet para sa mga biyahe ng pangulo sa taóng ito. Halos doble ito ng badyet noong 2023 na nasa 893 milyong piso. Sa unang anim na buwan ng termino ni Pangulong BBM, marami nang pumupuna sa madalas niyang pagbibiyahe, lalo na abroad. Pero laging sinasabi ng administrasyong mabunga naman daw ang mga biyahe ng pangulo. Makikita raw ito sa mga pangakong investments ng mga binibisitang bansa at mga trabahong lilikhain daw ng mga ito. 

Labing-siyam na ang mga foreign trips ng pangulo mula nang maupo siya sa puwesto. Pito sa mga biyaheng ito ay noong 2022 at labindalawa naman noong 2023. Parang buwan-buwan siyang lumalabas ng bansa. 

Paliwanag ni Pangulong Marcos, kailangan ang mga biyaheng ito upang ipakilala ang ating bansa sa buong mundo. Aniya, mahalagang makabuo ng personal na koneksyon sa iba’t ibang lider ng mga bansa. Dagdag naman ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, mahalagang oportunidad ang foreign trips upang lumikha ng investments na makatutulong sa ating pagbagon sa COVID-19 pandemic. Para naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga gastusing ito, hangga’t may benepisyo at pakinabang na nadadala sa bansa, ay justified o mapangangatwiranan. 

Noong isang linggo, naglabas ng maraming impormasyon ang administrasyong Marcos upang bigyang-katwiran ang mga nasabing biyahe. Nariyang nakakalap naman daw ang gobyerno ng pledges na nagkakahalaga ng tinatayang apat na trilyong piso. Sa halagang ito, halos 1.6 trilyong piso ang makikita sa mga pinirmahang memoranda of understanding at letters of intent. Ang pledges na nagkakahalaga ng 1.5 trilyong piso naman ay kumpirmado na at nasa planning stage na. Ang natitira sa halagang ito ay napagkasunduang ilalagak sa iba’t ibang proyekto. Ayon sa Department of Trade and Industry, karamihan sa investment pledges na ito ay nasa manufacturing, information technology at business process management, renewable energy, data center, at telecommunications. Lilikha daw ang mga ito ng dalawandaang libong trabaho. Sana nga.

Bagamat totoong mahalaga ang mga foreign trips ng pangulo, dapat siguruhing taumbayan nga ang nakikinabang sa mga ito. Sa huli, kaban ng bayang mula sa dugo’t pawis ng taumbayan ang ginagastos sa mga biyaheng ito. Mahalagang manatiling kritikal at patuloy na nagtatanong ang taumbayan. Kailangan nga ba ang mga biyaheng ito o may mga biyaheng maaaring ipagpaliban upang magamit ang badyet sa mga proyektong direktang makikinabang ang taumbayan? Sinu-sino ang mga kailangan isama sa mga biyahe? Paanong mabilis at kongkretong mararamdaman ng mga Pilipino, lalo na ng mahihirap, ang bunga ng mga investment pledges na ito?

Kung hindi naman talaga makikinabang ang mga ordinaryong Pilipino sa mga pledges na ito—o kung ang mga negosyante at pulitiko lamang ang kikita sa mga ito—maituturing na porma ng katiwalian ang paggamit ng pondo ng bayan para sa napakaraming biyaheng ng pangulo at mga opisyal niya. Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang katiwalian ay isa sa mga pinakaseryosong depekto sa isang demokrasya. Sinisira nito ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno. Kapag nakokompormiso ang ugnayan ng estado at ng mga mamamayan, nawawalan ang huli ng ganang makilahok sa pamamahala, na obligasyon naman nating lahat. 

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa Hosea 9:9, “aalalahanin [ng Diyos] ang kanilang kasamaan, [at] dadalawin ang kanilang mga kasalanan.” Hindi bulag ang Diyos sa mga pang-aabuso, lalo na ng mga taong binigyan ng malaking responsabilidad, katulad ng ating mga lider. Kaya naman, patuloy nating bantayan ang mga ginagawa ng mga nasa gobyerno, lalo na kapag sinasabi nilang tayo naman ang makikinabang sa mga ito. Tandaan natin, pera natin ang nagpopondo sa mga biyahe ng pangulo. Tayo ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 49,441 total views

 49,441 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 64,097 total views

 64,097 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 74,212 total views

 74,212 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 83,789 total views

 83,789 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 103,778 total views

 103,778 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 49,442 total views

 49,442 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 4,277 total views

 4,277 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 64,098 total views

 64,098 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 74,213 total views

 74,213 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 83,790 total views

 83,790 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 103,779 total views

 103,779 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 50,418 total views

 50,418 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 45,443 total views

 45,443 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 49,012 total views

 49,012 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 61,467 total views

 61,467 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 72,534 total views

 72,534 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 78,853 total views

 78,853 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 83,461 total views

 83,461 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 85,021 total views

 85,021 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 50,582 total views

 50,582 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top