324 total views
Aminado ang ilang kongregasyon sa Pilipinas na patuloy na naapektuhan ng pandemya ang kanilang kakayanan na tumulong sa mga mahihirap sa bansa.
Ito ang ihinayag ni Rev. Fr. Orven Gonzaga CP, ang Direktor ng Philanthropic Development Office ng Congregation of the Passion of Jesus Christ o Passionist Father sa Pilipinas sa suliranin na kinakaharap ng mga organisasyon ng Simbahan na nagsasagawa ng mga pagtulong partikular na sa mga nasa malalayong lugar.
Ayon kay Fr. Gonzaga, maging ang kanilang mga Parokya ay apektado ang pinansyal na kapasidad dahil sa pangdaigdigang epekto ng pandemya sa mga fund raising activity ng Simbahan maging sa mismong mga taga suporta nito.
Gayunpaman, sinabi ni Fr. Gonzaga na hindi nila magagawang talikuran ang mga mahihirap at nangangailangan.
“hindi namin kaya na ipikit na lang ang aming mga mata sa mga nangyayari hanggat meron kaming mgagagawa sa simbahan para maabot ang mga kapatid natin ay gagawin po namin” pahayag ni Fr. Gonzaga sa panayam ng programang Caritas in Action.
Ikinagalak ni Fr. Gonzaga na sa kabila ng pandemya ay nakapagsagawa sila ng iba pang programa gaya ng paggawa ng virgin coconut oil at mga facemask na siyang nakakatulong sa mga naapektuhan ang hanapbuhay.
“Dahil sa marami ang nawawalan ng trabaho meron kamign ginagawa na virgin coconut oil as a livelihood program para sa mga nanay na hindi makapag-trabaho ang asawa nila meron kaming mga niyog ginamit namin yun para mag-produce ng virgin coconut oil para sa konting paraan ay makatulong kami sa kanilang kalagayan. Gumawa din tayo ng mga facemask nagbigay tayo ng konting tulong sa paggawa ng facemask galing sa donasyon na ipinadala natin pinambili natin ng tela at binigyan po natin sila ng tulong sa kanilang paggawa.” Dagdag pa ng Pari.
Nagpapasalamat si Fr. Gonzaga sa mga tumutulong sa kanila upang makagawa ng mga pamamaraan upang patuloy na makatulong sa kapwa.
Umaasa siya na patuloy na magtutulungan ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan upang makapagsagawa ng mga philanthropic activities at mas marami pa ang maabot ng mga tulong kahit na mayroon pandemya.
Batay sa datos na ibinahagi ng ni Fr. Gonzaga, umaabot sa 2,000 pamilya ang kanilang tinutulungan partikular na sa mga malalayong lugar sa rehiyon ng Mindanao