177 total views
Ibinahagi ni Rev. Fr. Jason Laguerta, Chairman ng 3rd Philippine Conference on New Evangelization ang kanyang pagninilay sa matagumpay na konperensya na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.
Ayon kay Fr. Laguerta tunay na naramdaman ng nasa mahigit 5 libong delegado mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang habag ng Diyos na nagtutulak sa kanila na maging misyonero ng awa na nagmumula sa Diyos sa pagmamalakit sa kapwa.
Nakatulong ayon sa pari ang pagpapalawig ng awa ng Diyos upang mahimok ang mga mananampalataya na maging sensitibo sa pangangailangan ng kanilang kapwa nangangailangan.
Nagtapos naman ang PCNE 3 sa pagsusugo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga delegado na maging misyonero ng habag at malasakit ng Diyos sa mga lugar na higit na nangangailangan nito.
“Noong unang araw binanggit ng mahal na Kardinal na itong tatlong araw na ito ay parang pagsabog, ‘explosion of mercy.’ Kaya yun ring yung naranasan personally, yun ang naramdaman ko at sa pagtatanong – tanong ko sa mga participants yun din ang naramdaman nila. Talagang mayroong nangyari sa loob hindi lang sa pagtitipon kundi sa puso nagkaroon ng pagpapalawak pagpapalalim ng awa at habag ng Diyos,” bahagi ng pahayag ni Fr. Laguerta sa panayam ng Veritas Patrol.